Warning r-18
I cried seeing Kris broken for the first time. Tumingin siya sakin na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Yumuko ako sa sobrang kahihiyan na ibinigay ko sakaniya. Kailangan na namin tong tapusin dahil ito ang tama.
"No." He said softly, "Krystal, ano to!! Is this some kind of a joke? Anong maghihiwalay!." Aniya
Inangat ko ang tingin sa kaniya at mas lalo lang akong nasaktan ng makita ang sunod sunod na patak ng kaniyang luha
"K-kris, I-Im sorry.." I said all over again
"Fuck... I don't fucking need your sorry Krystal!! Gusto kong malaman kung bakit ka nakikipaghiwalay!! Ano to!! Ginagago mo ba ko!!" He roared
Umiiyak akong lumapit sa kaniya at hawakan ang kaniyang braso, "Kris, hi-hindi ako yung babaeng para sayo. Babalik na kami ng manila. Gu-gusto ko munang tuparin yung pangarap ko sa pamilya ko at sa sarili ko ng mag isa."
Lumayo siya sa pagkakahawak ko at madilim akong tinignan. "Iyan ba ang dahilan kung bakit gusto mong makipaghiwalay sakin?!. Sa tingin mo ba hahadlangan kita sa pangarap mo?!. Krystal tangina.. hahayaan naman kitang tuparin yan ng hindi tayo naghihiwalay!"
"Kailangan ako ng pamilya ko Kris. Wala pa kong nararating sa buhay ko. Gusto ko munang tuparin lahat ng pangarap ko ng ako lang. Sana maintindihan mo ko" wika ko
He stared at me agrily, "Paano ako?!. Hindi ba ko kasama sa pangarap mo Krystal?. Saan ako lulugar?. Saan ang pwesto ko sa buhay mo? Saan Krystal!! sabihin mo sakin kasi potangina pupunan ko.!"
Napalunok ako at umiyak. Sobrang sakit na. Mahal ko siya pero sobrang gulo na. Nasasaktan ko na siya. Nasasaktan na kaming dalawa.
"I'm sorry... Hi-hindi ko na alam. Naguguluhan na ko.. Patawarin mo ko Kris. I'm sorry!!" Hagulhol ko
He cried, tumalikod siya sakin at nanghihinang umupo sa sofa bago tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang dalawang palad
Tanging iyak lang namin ang naririnig sa paligid. Namumula na ang mata ko sa kakaiyak at rinig ko rin ang hikbi niya na kinadurog ng puso ko.
"Do you know that I bought this villa for you. For us." He said softly
Bumaling ang tingin ko sakaniya. Iginala ni Kris ang paningin sa loob ng bahay at tumingin sakin ng puno ng pagmamahal. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niyang binili niya ang villa na to para sakin.
He bit his lip before he speak again. " I bought this because I want to give this to you as a gift after you graduate."
I gulped and cried more. "K-kris. Hindi-"
"I want to build a family with you Krystal." Piyok niyang sambit
Napatakip ako sa aking labi dahil sa labis na emosyon na nararamdaman. Hindi ko na kayang makita pa siya na nag kakaganito. Sobrang sama ko.
"Ever since you came into my life, I felt happy. I felt the contentment in your arms baby. I am happy with you so much. But it looks like I am the only one whose happy in our relationship." Malungkot niyang wika
Agad naman akong umiling at lumuhod sa harapan niya. Hinawakan ko siya sa mukha at umiiyak na ipinagtanggol ang sarili.
"Hi-hindi Kris.. Masaya ako. Maniwala ka man o sa hindi sobrang saya ko ng makilala kita. Ikaw ang mahalagang bagay na nangyari sa buhay ko." Ani ko
"Then why are you choosing to break my heart?... Why are you leaving me?.. Why are you hurting me Krystal. Bakit?" Iyak niyang sambit
Natigilan naman ako at hindi nakapagsalita. Mali ako, kahit saang anggulo mali ako. Pero hindi ko pwedeng talikuran ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...