Minaneho ni Kris ang kaniyang kotse papaalis ng hacienda. Naisipan naming mag date muna at ienjoy ang pagiging magkasintahan. Papunta kami ngayon sa burol dahil sabi niya ay maganda daw roon at nakaka relaxHuminto muna kami sa malapit na tindahan at bumaba para bumili ng pagkain. Pumasok kami sa loob ng 7/11 at kumuha ng mga chips at beer. Kumuha rin siya ng coke in can bago linagay sa counter upang bayaran.
Matapos naming bumili ay dumiretso na kami sa kotse at nagsimula ulit siyang magmaneho.
Tawa ng tawa lang kami sa loob ng sasakyan kaya't di ko namalayang andito na pala kami sa lugar. Lumabas na ko sa kotse at dinala naman ni Kris ang mga pagkain na binili namin kanina. Tinignan ko ang matayog na burol. Kailangan pa kasi naming umakyat para makarating sa pinakatuktok nito. Hindi naman kalayuan ang burol sa aming kinatatayuan kaya madali lamang itong akyatin.
"Tara na Kris!! Akyat na tayoo dali!!" wika ko habang naeexcite na tumakbo paakyat
"Careful baby!, Baka madapa ka!" sigaw naman ni Kris na kinatawa ko na lamang
Sumunod naman siya sa akin at makaraan ng ilang minutong pag akyat ay narating na rin namin ang tuktok ng burol.
Namangha ako sa aking nasaksihan. May malaking puno ng narra dito at hindi mo mararamdaman ang init dahil sa sariwang hangin. Nangingiti kong inikot ang aking paningin at napa awang ang aking labi ng makita ang magandang view mula dito sa taas. Kitang kita kasi dito ang mga bahay at malawak na sakahan at azucarera ng mga Del Vega.
"Kris!! Tignan mo diba yun yung farm nyo?! Wow! Ang ganda Kris! Ang ganda dito!!" tuwa kong saad sa kaniya
Napaigtad ako ng pumulupot ang malalaki niyang braso sa aking tiyan. Ipinatong niya rin ang kaniyang baba sa aking balikat at marahang hinahangin naman ang aming mga buhok.
I closed my eyes when I felt a sudden contentment. I really love this man!. I'm sure of it.
"I'm glad you like it here." he said softly
Humarap naman ako sakaniya at hinaplos ko ang kaniyang panga patungo sa kaniyang pisngi.
"Thank you for bringing me here Kris. Thank you for accepting me and loving me despite of the chaos happened earlier. Thank you for holding me tight. Thank you so much for every thing." I said wholeheartedly
He give me a warm smile and touch my face with his hands.
"I'll do anything for you Krystal. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito katindi kaya huwag mo sana akong iiwan. I don't know what to do without you." madamdamin niyang saad
Unti unti namang lumapit ang mukha niya sa akin. Umawang naman ang aking labi ng magdikit ang aming mga ilong at sa namumungay na mata ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Kris sa akin
He kissed me passionately. My heart beats so fast because of an overwhelming feeling. Sa gitna ng burol. Sa harap ng mga tanawin. Nagkatagpo ang aming mga puso.
I raised my both hands and encircle it to his neck to deepened the kiss. Hinawakan naman ni Kris ang aking bewang at niyakap ako ng mahigpit habang gumagalaw ang aming mga labi.
Ito ang unang beses na naghalikan kami ng matagal kaya namumula kong tinapos ang aming halikan. Iniwas ko naman ang aking tingin dahil hindi ako marunong humalik katulad ng paghalik niya kanina.
He chuckled when he saw my shy face. Isinubsob ko naman ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahil sa hiya kanina.
"Why are you hiding your face beautiful?" he said sheepishly
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...