Kalmado na kaming bumalik sa party. Hindi pa rin kumbinsido si papa kay Kris pero atleast hindi na siya mukhang galit ngayon sa boyfriend ko.Unti unti na ring umalis ang ibang bisita. Abala sila mama at tita presly sa pag babalot ng pagkain at paghatid sa mga bisita sa labas ng aming bahay. Kanina pang umalis si Camilla at hindi ko maiwasang ma guilty dahil nadawit pa siya sa problema namin kanina.
Alas 7 na ng gabi at ang pamilya Del Vega na lamang ang natira naming bisita. Kinabahan ako ng lumabas si papa sa kusina at iritang tinignan si Kris.
"Nandito ka pa!." Pait na saad ni papa
Tumawa naman ng malakas si Don Gustavo bago tumayo at umakbay kay papa.
"Ano ba yan Dimensio. Relax ka lang, palagi kang highblood kaya ka nag kaka wrinkles eh!" Wika ni Don Gustavo
Matalim naman na tinignan ni papa ang Don. "Huwag mo kong pakialaman Gustavo, kausapin mo yang anak mo at ayokong umaaligid yan sa anak ko!" Ani papa
"Pare naman, ayaw mo nun magiging mag balae na tayo!" Ngisi ng Don
"At sa tingin mo talaga papayag akong maging balae kita at mapangasawa ng anak ko yang anak mo?! Di mo ba alam kung gaano ka babaero yang anak mo ha! Halos masubaybayan ko ang paglaki niyan kaya di ko siya gusto para sa anak ko!"
Naguguluhan ko naman silang tinignan. Para kasing mag kaibigan lang ang datingan ni Don Gustavo at Papa dahil sa batuhan na rin nila ng mga salita.
"Magkakilala po ba kayo? Papa? Don Gustavo? Bakit parang kilalang kilala niyo po si Kris Pa?" nalilito kong wika
"Hindi ko kilala ang gagong to at oo nasubaybayan ko ang paglaki niyang si Knight dahil madalas akong umuwi dito tuwing bakasyon. Kaya alam ko kung anong mga kabalastugan ang ginagawa niyan noong kabataan." Wika pa ni papa
Ngayon malinaw na sakin ang lahat. Madalas ngang umuwi si papa dito sa probinsya pero hindi kami sumasama nila mama dahil tinutulungan ko si mama mag tinda sa palengke. Tumingin naman ako kay Kris at naka nguso lang siyang tumingin sakin. Pinaningkitan ko siya ng tingin dahil may pakiramdam akong may hindi kaaya aya siyang ginawa noon.
"Ang sakit mo naman magsalita, Dimensio my friend!, Para namang hindi tayo sabay naligo sa batis dati." Nakangusong saad ni Don Gustavo habang nakahawak pa sa kaniyang puso na parang nasasaktan
"Tumahimik ka Gustavo, umalis na nga kayo at naalibadbaran na ko sa hitsura mo at ng anak mo."
"Dimensio kumalma ka ngaa. Nakakahiya sa kanila!" Ani mama
Lumapit naman si Kris kay papa at marahang yumuko.
"Alam ko pong naging pilyo at mapaglaro ako sa babae noon. Pero pinapangako ko po sainyo sir. Na hindi ko po sasaktan ang anak niyo. Handa po akong pakasalan siya at sana po ay bigyan niyo ko ng chance na ipakita sainyo kung gaano ko po kamahal ang anak niyo." Madamdaming wika ni Kris"Makakapaghintay ka ba?" tanong ni papa
Naguguluhan naming tinignan si papa. Hindi namin alam kung ano ang tinutukoy niya kaya hinayaan na lang namin siyang magsalita ulit.
"Tinatanong kita Del Vega! Kung makakapag hintay ka ba?" ulit ni papa
Tumingin naman sakin si Kris at marahang tumango. "Kaya ko po maghintay, para sa anak niyo Sir." Aniya
Umismid naman si papa bago tinignan ng mariin si Kris.
"Nag aaral pa ang anak ko Del Vega. Hindi niya pa naabot lahat ng pangarap niya at alam kong alam mo na may hangganan ang relasyon niyo. Kung gusto mong mapatunayan sakin na mahal mo ang anak ko. Inuutusan kitang hiwalayan siya ngayon din!" seryosong banggit ni papa
BINABASA MO ANG
Untold Desire
RomanceLove is the most lethal and powerful emotions every person could have. It makes us do things that we couldn't imagine we can do, sabi nila di ka totoong nagmamahal kung di ka nasasaktan, but what if the person whom you trust and love the most is the...