001

74 5 0
                                    

THEON'S POV

"Fifteen years!" sigaw ko habang lasing na lasing na. "Fifteen years kaming magkarelasyon tapos hahantong lang sa ganito?!"

"Ano bang nangyari?" pagtatanong ni Vlad na nakaupo sa tabi ni Raye, pareho silang nasa harapan ko. Nasa magkabilaang gilid naman sila Drix at Xyven.

Nasa bar kami ngayon ng mga kaibigan ko at dahil alam kong hindi ko kakayanin itong mag-isa ay tinawagan ko agad sila matapos kong magmaniobra ng sasakyan ko patungo rito.

"Nag-text siya sa aking magkita kami sa labas ng parking lot ng building natin," pag-uumpisa ko. "Hinintay ko siya roon at nung dumating siya ay bigla na lang siyang nakipaghiwalay sa akin!"

"Anong rason niya? Bakit siya nakipaghiwalay sa 'yo?" tanong naman ni Raye.

"Dahil na naman sa trabaho niya." Muli akong tumungga sa basong iniinuman ko bago nagpatuloy. "Hindi niya raw kasi alam kung kailan siya makakabalik ulit dito o kung makakabalik pa ba siya rito kaya minabuti niyang maghiwalay na lang kami." Mapait akong napangiti habang nagkukwento. "Ang akala ko pa naman ay babawi siya sa akin dahil sa halos buong takbo relasyon namin ay hindi ko man lang siya naramdaman."

Naalala ko na naman ang ilang beses kong paulit-ulit na pagtawag sa kaniya na hindi niya sinasagot. Bilang lang sa mga daliri ko sa isang kamay ang naging pag-uusap namin sa bawat buwan. Madalas pa nga ay kung sasagutin man niya ang tawag ko ay binababa niya agad ito.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano katindi ang pagtitiis na ginawa ko. Madalas kaming hindi nagkikita dahil sa trabaho niya sa malayo. Ang pinakamatagal na nakasama namin ang isa't isa ay dalawang araw lang. Pagkatapos no'n ay ilang buwan ulit kaming hindi magkikita.

Hinayaan lang ako ng mga kaibigan ko na magkwento para mailabas ko ang lahat ng saloobin ko na ilang taon ko ring sinarili.

Ilang oras ang lumipas, paubos na ang mga nakahaing inumin at pagkain sa lamesa namin. Mayamaya pa ay may lumapit sa table namin na isang lalaking nakasuot ng itim na suit vest.

"Could I please have His Royal Highness, the Prince of Satyriex Kingdom's attention?"

Pinasadahan ko naman ng tingin ang lalaking nagsalita at agad na nangunot ang noo ko nang makilala ito. "What do you want?"

"I've come to inform you that your wedding with the third daughter of a royal family will be held tomorrow."

Nagugulat namang napatingin sa akin ang apat na kaibigan ko dahil sa sinabing 'yon ng lalaking lumapit sa table namin.

Nagtiim naman ang bagang ko. "What did you say?"

"You're going to marry Yzelizel Zyvora, or else I will send you to a desolate land where no one can help you!" pagalit na sigaw nung lalaking kausap ko, ginagaya ang tono ng pananalita ng ama ko. "That's what your father said," biglang kalmadong sabi niya at tinalikuran kami.

Madiin kong hinawakan ang basong hawak ko hanggang sa mabasag 'yon mismo sa kamay ko.

"Ano ka ba naman, Theon?" saway sa akin ni Vlad saka inagaw sa akin ang nadurog na baso.

Kinuha naman ni Raye ang kamay ko at nag-cast ng magic doon upang gumaling ang sugat.

"Ikakasal ka?" gulat na tanong sa akin ni Xyven.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon