018 | CRUISE SHIP IV

83 3 0
                                    

WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds.

RAYE'S POV

Malalaki ang hakbang ko nang tumungo sa club kung saan nanggaling si Freya. Iniwan ko muna siya sa room ko at lumabas para sugurin kung sinuman ang mga gagong nagbigay sa kaniya ng ininom niya.

Kakaibang galit itong nararamdaman ko ngayon. Galit na galit talaga ako. Lalo na sa sarili ko dahil sana pala ay binantayan ko siya.

Narinig ko na ang malakas na tugtugan sa daang tinatahak ko at nang makapasok na ako sa entrance ng club ay bumungad sa akin ang mga pangyayaring iniiwasan kong makita.

Iba-iba ang ilaw na nagpapaikot-ikot sa itaas para lumiwanag dito sa loob. Sa tuwing may natatamaan ng ilaw ay nakikita ko ang mga babaeng nagsasayawan sa harapan ng mga kalalakihang tuwang-tuwa naman.

Sa bandang gilid naman kung saan may kadiliman ay nakita ko ang isang babaeng talikod na nakatuwad sa isang mesa habang nakataas sa baywang nito ang suot nitong maikling dress habang ang isang lalaki naman ay nakatayo sa likuran nito at nakababa ang pantalon hanggang sa may hita nito.

Sa ibang parte naman ay may mga mahahabang upuan na malambot at naroon ang grupo ng mga kalalakihang nakaupo habang nakaluhod sa harapan nila ang mga babae. Mayroon pang iilang lalaki na mayroong dala-dalawang babae ang nagpapaligaya sa kanila.

Ano pa nga bang aasahan ko? Ganito talaga ang eksena sa club.

Hindi ko na naasiwa pang tingnan ang iba pang nangyayari rito sa loob kaya naglakad na ako nang diretso.

There's probably a private room in here.

Sa gitna nang paglalakad ko ay napapansin kong napapatingin sa akin ang mga nandoon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa natanaw ko ang stage kung saan maraming babae roon ang sumasayaw ng malaswa habang ang mga nanonood ay nagpapalakpakan.

"Hey, boy."

Bigla akong napatingin sa babaeng biglang humawak sa braso ko na mabilis ko namang inalis sa akin.

"Get away from me," singhal ko sa kaniya na ikinasindak naman niya kaya mabilis siyang tumakbo paalis.

Kahit saan talaga ay may mga babaeng katulad niya.

Nag-umpisang muli ako sa paglalakad hanggang sa mapadako ang paningin ko sa isang pinto sa may gilid.

PRIVATE CLUB
MEMBERS ONLY

Lumakad naman ako patungo roon ngunit biglang may humarang sa akin na bouncer.

"It's a private area," sabi niya sa akin.

Tumingin ako sa kaniya. "I know."

"You're not allowed to enter there," seryosong sabi niya.

Nanatili akong nakatayo habang nakapamulsa at nililibot ng paningin ko ang kabuuan ng lugar.

"Leave now," nauubusan na ng pasensyang sabi niya.

Hindi naman ako kumilos at binalewala lang ang sinabi niya.

Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko kaya naman agad kong hinablot ang kamay niyang 'yon at inikot para mabali.

"I am not leaving," mahinang sabi ko sa kaniya at patapon siyang tinulak sa tabi.

Pagkatapos ay malakas kong sinipa ang pinto na nasa likuran niya kanina na hinaharangan niya.

Nasira ko ang lock no'n kaya bumukas.

Bumungad sa akin ang amoy ng iba't ibang uri ng alak, maging ang mga ipinagbabawal na gamot.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon