030

94 2 0
                                    

THEON'S POV

Rixulst 13.

Mag-iisang buwan na rin simula nung ipadala sa misyon si Raye dahil Neost 8 ang petsa nung umalis siya. Wala na kaming balita pa sa kaniya hanggang ngayon dahil ang huling usap namin ay nung araw na umalis din siya. Hindi na rin namin siya sinubukang tawagan dahil alam naming busy na 'yon sa misyon niya.

"A-Aray! Tangina mo! Masakit!"

Nabalik lang ako sa reyalidad nang sumigaw bigla si Vlad. Doon ko lang napansing naibuhos ko pala ang lahat ng alcohol sa sugat niya.

"'Yan, racing pa!" singhal sa kaniya ni Xyven.

"Pakyu kayo!" pagmumura pa ni Vlad na mangiyak-ngiyak na sa hapdi.

Nasugatan kasi ang kaniyang kaliwang braso nang sumadsad sa gilid ang minamaneho niyang motor habang nakikipagkarera kay Zale.

"Sinabi na kasing mag-ingat!" iiling-iling na sambit ni Alia.

"True! Alam na ngang wala rito 'yung taga-gamot natin, nakikipagkarera pa!" pagtukoy pa ni Shea kay Raye. Si Raye lang kasi ang marunong ng healing magic sa headquarters namin.

"Oh siya, una na ako," paalam bigla ni Drix na handa nang umuwi.

"Lakas talaga nito, oh? Hindi man lang tinulungan ang best friend niya," nakangiwing sambit ni Dimitri.

Ngumisi naman si Drix. "Ginusto niya 'yan."

"Gago! Ikaw nga dapat ang bubungguin ko kanina, bigla ka lang umiwas!" sigaw pa ni Vlad.

"Oh? Narinig niyo?" tanong ni Drix at tinuro si Vlad. "Sabi na't bubungguin nga talaga ako niyan kanina!"

"Haharang-harang ka kasi sa daan!" singhal ni Vlad.

Napabuntong-hininga naman ako at binitawan ang nga hawak kong panggamot kay Vlad. Pumagitna ako sa dalawa. "Tumigil nga kayo. Tss. Para kayong mga bata."

Natahimik naman silang dalawa.

Mayamaya pa ay lumapit si Drix kay Vlad. "Pagaling ka."

"Ulul. Alangan namang hindi?!" sarkastikong tanong pa ni Vlad.

Hindi naman siya pinansin ni Drix at napabuntong-hininga na lang bago siya tuluyang lumakad palabas ng building namin.

Paglabas niya ay siya namang pagpasok ng apat na kalalakihan.

"Hahahaha! Akalain mo nga namang pumangalawa pa ako!" si Zack.

"Talunan pala itong si Van, e!" pang-aasar ni Logan.

"Sows! Magkasunuran nga lang tayo! Ang lamang mo lang ay milliseconds!" si Van.

Kumaway naman sa amin si Zale at nanguna na siyang maglakad palapit sa amin. "Kumusta na siya?"

Tiningnan ko naman si Vlad na nakaupo lang sa mahabang sofa. "Mhmm, nagamot ko na rin naman ang mga sugat niya at mukhang maayos na rin naman siya."

"I see, that's good." Tumayo siya nang maayos at tinanaw ang tatlong kasama niyang pumasok sa building namin.

"Ibang klase mag-drive itong si Zale!" pagkukwento pa ni Logan. "Ang bilis, e! Puta! Bawat liko ko nga ay muntik pa akong mabunggo sa mga barriers!"

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon