042 | EMERGENCE OF 8 STATES

43 1 0
                                    

ZALE'S POV

Isang buwan nalang at eleksyon na. Ang partido ni Lachlan ay abala na sa pangangampanya, habang ang partido naman ni Azriel ay nanatiling tahimik at misteryoso.

May mga nalaman kami tungkol kay Azriel, ngunit kakaunti lamang. Pero sapat na 'yon para masabi naming si Azriel ang dapat naming suportahan sa botohan.

Kailangan nang matigil ang pamumuno ng pamilyang Fortescue sa nasyon ng Zoston.

Pabalik na kami sa bahay na tinutuluyan namin ngayon sa may gubat. Kasama ko si Kuya Casmir dahil pumunta muna kami ng siyudad para alamin kung ano nang ginagawa ng partido nila Azriel ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin pala ito nagpapakita sa madla.

Paano kaya 'yan mananalo kung hindi nagpapakita? Hayst.

"Shh!"

Nagulat ako nang hatakin ako ni Kuya Casmir papunta sa gilid ng puno. Nagtatakang tiningnan ko naman ang sinisilip niya.

"May sinundan kami papunta rito sa gubat, sa tingin ko ay may bahay ditong nakatago."

Tiningnan ko ang nagsalita. Nakasuot ito ng unipormeng pansundalo at may kausap ito sa maliit na radyo na hawak niya.

Ang iba naman nitong kasama ay nakapalibot sa kaniya, nagbabantay at nagmamasid sa paligid.

"Bumalik na lang daw tayo rito bukas, mahirap na't baka matambangan tayo."

Nakahinga naman kami nang maluwag ni Kuya Casmir nang marinig ang sinabi nung may hawak na radyo.

Mabilis naman kaming pumunta sa bahay na tinutuluyan namin nang makitang umalis na sila.

"Ngayong gabi mismo ay aalis tayo rito!" sigaw agad ni Kuya Casmir sa mga kasamahan namin na nandito sa loob ngunit nagulat kami nang walang sumalubong sa amin. "Nasaan sila?"

Agad akong pumasok at hinanap ang mga kapatid ko nang bigla kong maramdaman ang malamig na bagay na nakatutok sa sentido ko.

Dahan-dahan akong bumaling sa lalaking tinutukan ako ng baril. Siya 'yung lalaking may hawak na radyo roon sa gubat kanina.

"Akala niyo siguro maiisahan niyo kami, no?"

Tumawa naman ang iba pa niyang kasamahan na hawak-hawak din ngayon ang iba pa naming kapatid.

"Kaano-ano niyo si Ziegler Weizmann?!" galit na tanong ng lalaking nasa tabi ko. "Ano ang nga nalalaman niyo tungkol sa pag-assassinate niya sa mga dating nasa pamahalaan?! May koneksyon ba kayo sa mga Ravenscrofte?!"

Sinabunutan naman ng isa pang lalaki si Neiva at may isa akong napansin. Agad kong hinanap ang apat na bata, sila Kiro, Myles, Lexine at Misha, ngunit hindi ko sila makita.

Hinanap ko rin ang una naming kuya ngunit wala rin siya riro. Nasaan sila?

Nilingon ko si Kuya Casmir na sinenyasan akong kumawala sa braso ng lalaking katabi ko pagkabilang niya ng tatlo sa daliri. Palihim lang ang senyas na 'yon dahil hawak din siya ng dalawa pang lalaki.

"Ayon sa list na binigay sa atin, may labintatlo pang Weizmann ang natitirang buhay. Walo lang ang hawak natin ngayon at may lima pang nawawala!" sigaw ng lalaking kapapasok lang.

"Halughugin niyo ang bawat sulok! Uubusin natin ang angkan ng Weizmann. Walang dapat matira dahil dapat manalo ang partido ni Lachlan sa botohan!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon