033

60 2 0
                                    

WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds.

ZALE'S POV

"Akala ko tapos na kayo, e."

Bumalik na si Syd kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Hindi na kami nag-usap pa ni Zean at silang dalawa na lang ngayon ni Syd ang nagkukwentuhang muli.

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa nang mag-vibrate ito, may tumatawag. Tumingin naman ako sa dalawang kasama ko. "May kakausapin lang ako."

Tinanguan ako ni Syd at nakita ko namang sinundan ako ng tingin ni Zean, pero hindi ko na siya pinansin pa.

Ang hirap basahin ng isip niya dahil sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa, kinakabahan ako. Pakiramdam ko sa tuwing tumitingin siya sa akin ay natatandaan niya ako at 'yon ang iniiwasan ko kaya hindi ko matagalang tumingin sa kaniya para basahin ang nasa isip niya.

"Is there a problem?" nag-aalalang tanong ko nang sagutin ang tawag.

"Nakita kita, hahaha," pagsasalita ni Vlad.

Agad naman akong luminga-linga sa paligid ko nang makalabas ako ng restaurant. "Saan?"

"Hahahaha." At tinawanan pa nga muna niya ako. "Papasok sana ako sa restaurant kung nasaan ka at lalapitan sana kita kaya lang may kasama ka pala kaya hindi na ako tumuloy. Nakakahiya, e, hahahaha," sagot ni Vlad.

"Saan ka ba galing?" kunot-noong tanong ko.

Baka mamaya iba iniisip nito sa nakita niyang kasama ko. Hayst.

"Cemetery. Binisita namin 'yung mga officer sa HQ natin. Death anniversary kasi nila ngayon, saktong eighteen years nang pagkamatay nila." Hindi naman ako nakapagsalita. "Nakalimutan mo, 'no?"

'Yan nga pala ang balak kong itanong kagabi kay Theon kaya ako nasa HQ!

"Sinu-sino ang mga kasama mong nagpunta roon?" tanong ko.

"Lahat ng kasapi ng HQ natin, pero kanina pa sila nakaalis dahil nagpaiwan ako."

"Nasaan ka na ngayon?" tanong ko pa habang nililibot ng tingin ang buong paligid.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita iistorbohin. Pauwi na rin ako ngayon, e, gusto ko lang sanang mag-cr kaya balak kong pumasok sa restaurant, hahahaha!"

"Loko. Edi, ikaw lang mag-isa uuwi ngayon?"

"Yes! Hahaha, sana nga lang hindi masyadong traffic. Pagpunta namin dito kanina ang haba ng traffic, e."

Natahimik naman ako. "Kanina..." Tumikhim ako. "Kasama niyo si Theon?"

"Ha?" Tumawa naman siya. "Lasing ka ba, Zale? Hahahaha! Kasasabi ko lang kaninang lahat kaming taga-HQ ay magkakasama. Pauwi pa lang ako ngayon kasi nagpaiwan ako!" natatawang paliwanag niya. "Biro lang, hahahaha! Pero kasama namin si Theon kanina."

"Kanina nung magpunta kayo sa sementeryo?" pangungumpirma ko pa.

"Oo, tinawagan ko 'yon kagabi, pero walang sumasagot, e. Akala ko nga kung ano nang nangyari roon, susugurin ko sana sa kanila, hahahaha!" sagot niya. "Ikaw rin kaya tinawagan ko, hindi ka rin sumasagot. Kaya nag-text na lang ako sa 'yo, pero mukhang hindi mo rin nabasa."

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon