009

23 3 0
                                    

FREYA'S POV

Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang room habang hinihintay ang kaibigan kong si Yze. Nang matanaw ko na siya ay tumalikod na ako at naunang pumasok sa silid. Narinig ko naman ang pagsara niya ng pinto.

"Nakabit ko na sa kaniya 'yung listening device," usal niya habang naglalakad palapit sa akin.

"Saan mo kinabit? Baka mahulog 'yon," sabi ko naman pagkaupo sa swivel chair.

Naupo naman siya sa katabi kong upuan. "Hindi 'yon mahuhulog, sinigurado ko namang nakakapit nang mabuti sa damit niya."

Pagkalabas ni Yze sa room kanina kung nasaan sila Theon, Nyx at ang iba pang kasapi ng HQ 772 ay inabot ko sa kaniya ang isang maliit na listening device at sinabing ikabit niya 'yon kay Theon.

Ipinaliwanag ko sa kaniya ang pinaplano nila Larsen Astray, isa sa mga officer namin sa HQ 764. Mabuti na nga lang at nakuha ni Yze ang ibig sabihin nila Larsen kanina matapos siyang senyasan ng mga ito na sumunod agad pagkalabas nila dahil kung hindi ay hindi ko maibibigay sa kaniya ang listening device at masisira ang plano.

"Ano 'yan?" Tinuro ko naman 'yung nakita kong mapula sa balikat ni Yze.

Napatingin naman siya roon at dali-daling tinaas ang damit niya para matakpan 'yon.

"Tsk. Kung anu-anong pinaggagagawa niyo," napapailing kong bulong.

"Freya, ah! Wala kaming ginagawang ano!" nahihiya niyang sigaw.

Binuksan ko na lang ang tatlong monitor na nasa harapan namin. Binuksan ko rin ang mga speaker para marinig namin ang pinag-uusapan ng dalawang tao.

"Mahal mo na?" si Nyx.

"Sino?" si Theon.

Napaayos naman ng upo si Yze nang marinig na naming mag-usap ang dalawa.

"Kapag binalikan kita, makikipaghiwalay ka ba sa kaniya?"

Napatingin naman ako kay Yze nang marinig ang tanong na 'yon. Batid kong kinabahan siya sa isasagot ni Theon ngunit makalipas ang ilang minuto ay wala kaming narinig na sagot. Napabuntong-hininga naman siya at napatingin na lang sa hawak niyang papel.

Mayamaya pa ay nakita ko nang papasok sila Theon at Nyx sa loob ng kotse. Ang sasakyan ni Theon ay nilagyan ni Oceane Quinn ng tatlong hidden camera, siya ay isang babaeng miyembro ng HQ 764,

Isa sa dalawang magkabilaang side mirror, ang nasa kanan na side mirror ay nakatutok ang camera sa harapan, ang isang camera na nasa kaliwa naman ay nakatutok sa likuran, ang dalawang camera na 'yon ay para makita namin ang tinatahak nilang daan.

Ang ikatlong camera naman ay nasa loob, nakatago sa may rear view mirror, kaya makikita namin nang harapan ang mga mukha at itsura nila.

Nakinig naman kami sa pinag-uusapan ng dalawa habang nasa sasakyan na sila.

"Nakapunta ka na sa bahay ni Theon?" tanong ko kay Yze kaya napatingin siya sa akin.

"Hindi pa, hindi ko nga alam kung saan 'yon, e!" Tumingin siya sa mga monitor sa tapat namin. "Hindi rin pamilyar sa akin 'yung daang tinatahak nila. Ikaw ba Freya, pamilyar sa 'yo?"

Tinitigan ko namang mabuti ang bawat dinaraanan ng sasakyan nila. "Hindi rin."

"Ni-hindi nga ako sigurado kung naiparamdam ko ba talaga sa 'yo 'yung pagmamahal ko. Hindi ko alam kung sa loob ba ng labinlimang taon nating magkarelasyon ay napadama ko sa 'yo kung paano mahalin ang isang boyfriend."

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon