037 | CASTIJON ISLAND

63 2 0
                                    

WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds.

ZALE'S POV

Saturday, Rixulst 23, 2:35 PM.

Nakasuot ako ngayon ng formal suit dahil ang dadaluhan kong party ay hindi ordinaryo, party 'yon ng mga sikat na artista at modelo. Kasalukuyan silang nananatili sa Castijon Island dahil sa isang proyekto, doon nila iti-take ang mga scene para sa kanilang upcoming film.

Ang trailer ng movie na 'yon ay ilalabas sa buwan ng Straxirust at ang buong movie ay ipapalabas naman sa buwan ng Zol.

Cast ng movie na 'yon ang dalawang taong may malaking ganap sa buhay ko. Ang una ay si Karlheinz Augustus Cordell, siya ay itinanghal bilang pinakabatang aktor na naging milyonaryo kahit wala pang isang taon sa industriya. Ang ikalawa naman ay si Zaniyah Reed, isang actress, model, fashion designer at may ari ng luxury fashion brand na Reed na siyang sini-ship sa iba't ibang nasyon.

Sikat na sikat ang mga pangalan nila noon ngunit naglaho bigla sila sa industriya, labinlimang taon na ang nakararaan.

Hindi na ako tumutok pa sa mga telebisyon at radyo nang marinig ang tungkol doon dahil sinubukan ko na siyang hanapin mismo. 'Yan din ang dahilan kung bakit napapadalas ang pag-absent ko sa trabaho sa HQ 772 dahil bumalik ang sakit ko. Gabi-gabi akong dinadalaw ng kung anu-anong senaryo patungkol kila Karl at Zaniyah na siyang nagpahirap sa akin sa pagtulog.

Si Sydney ang tumulong sa akin at nanatili sa tabi ko sa tuwing inaatake ako ng sakit ko. Siya ang nagpapaalala sa akin ng mga gamot ko.

Inalala ko namang muli ang itsura niya kanina, mababasa ang lungkot sa mga mata niya.

Kahit ilang taon na kaming magkasama at nakatira sa iisang bahay ay kailan ma'y hindi ko nagawang magkagusto sa kaniya. Ang turing ko lang talaga sa kaniya ay kapatid lang. Hindi ko makita ang sarili kong kasama siya na higit pa roon.

"Nandito na tayo."

Tinanaw ko ang labas nitong helicopter nang makalapag kami sa lupa. Malawak ang buong malapad na lupain at walang kahit anong puno sa paligid.

"Doon magaganap ang party."

Tinanaw ko ang tinuro niya at nakita sa malayo ang mataas na palasyong mahahalatang ilang dekada nang nakatayo. Nasa likod kami nito kaya hindi ko alam ang itsura nang harapan ngunit masasabi kong halatang inalagaan ang palasyong 'yon.

Hindi ako nakasuot ng salamin, pero natatanaw ko naman ang tinitingnan ko dahil hindi naman talaga malabo ang mata ko. Wala 'yong grado, pang-porma lang, hahaha.

"It is an old palace where the rulers of Zadrid Iceland, now Castijon Island, used to live."

Nilingon ko naman si Neon bago hinagis sa kaniya ang dala kong bag. "Ipadala mo 'yan sa HQ 772 sa Lunes ng umaga."

Tinanguan niya ako. "What about the woman you left in Lleitava City?"

Napangiti ako nang malungkot bago ko iniwas ang tingin sa kaniya. "Please guard her."

"Guard her 24/7?" kunot-noong tanong niya.

Salubong ang kilay kong humarap muli sa kaniya. "Just make sure she's safe. You don't have to guard her 24/7. I know you have other things to do. I just don't want something bad to happen to her."

Mahina naman siyang natawa. "I am being sarcastic."

Napailing-iling na lang ako sa kaniya. "Mami-miss ko 'yang mga wala mong kwentang joke."

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon