008

35 3 0
                                    

THEON'S POV

Matapos kong tawagan si Raye ay pumasok na akong muli sa kwarto kung nasaan si Nyx.

"May pupunta na lang sa 'yo rito para tanggalin 'yung posas mo," balita ko agad sa kaniya.

Binuksan ko naman 'yung drawer na nasa tabi ng kama at kinuha roon ang isang phone.

"Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako gamit ito," sambit ko at nilapag sa ibabaw ng kama 'yung phone. "Maiwan na kita rito."

"Nagmamadali ka yata?" bigla niyang tanong sa akin.

"Hindi naman," agad kong sagot.

Napatingin naman ako sa kaniya nang manatili siyang nakatingin sa akin habang nakangiti. "May papel at pen ka ba?"

Nagtaka naman ako dahil sa tanong niya. "Nakalagay din dito sa drawer." Kinuha ko sa loob ng drawer 'yung hinihingi niya at may sinulat siya roon na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin.

Bigla naman siyang tumayo at naglakad palapit sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at bago pa man lumapat ang labi niya sa labi ko ay naiiwas ko na agad ang mukha ko sa kaniya kaya ang nahalikan niya ay ang pisngi ko.

Matapos niyang mahalikan ang pisngi ko ay inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Tell your wife that we made love."

Hindi na niya ako hinintay na magsalita pa at basta na lang tumalikod saka bumalik sa pagkakaupo sa kama.

What's wrong with her? Ngayon ko lang siya nakitang umakto ng ganiyan.

Hindi ko na lang 'yon pinansin pa at mabilis na nagpaalam sa kaniya para bumalik na ng building namin.

Habang nagmamaneho ako ng sasakyan ay bigla namang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag dahil nakalapag lang 'yon sa passenger seat.

Tumatawag si Vlad.

Bakit naman kaya siya tumatawag? Dapat nag-text na lang, nagda-drive ako, e.

Ilang segundo pa ang lumipas ay namatay din ang tawag kaya tinuon kong muli ang atensyon ko sa pagda-drive dahil nasa highway ako.

Mayamaya pa ay tumunog na naman ang phone ko. Kunot-noo ko 'yong tiningnan at nakitang tumatawag ang ama ko.

Bakit kaya ito tumatawag? May nagawa na naman ba akong kasalanan?

Sa tuwing tumatawag kasi 'yan sa akin ay dahil lang sa mga pagkakamali ko at para lang pagalitan ako.

Kinabahan naman ako nang maisip ko si Izel.

May nangyari bang masama roon?! Kasi tumawag sa akin si Vlad, tapos ngayon naman ay tumatawag si Dad!

Balak ko na sanang damputin ang phone ko nang bigla namang naputol 'yung tawag kaya hindi ko nasagot.

Mas binilisan ko naman ang pagmamaneho ko. May nakasabay pa akong isang kotseng kulay itim. Binaba ng driver nito ang bintana ng sasakyan niya at tumingin sa gawi ko.

Sinenyasan ako ng lalaking hindi ko kilala na makipagkarera sa kaniya. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang itsura niya.

May kamukha siya.

"Game?!" sigaw niya.

"Tss. Bring it on!" sigaw ko pabalik sa kaniya.

Muli kaming humarap sa harapan at pinaharurot ang mga kotse namin. Mas binilisan ko pa ang pagpapaandar at umiwas sa mga sasakyan na nasa harapan.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon