004

49 4 0
                                    

YZELIZEL'S POV

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapangiti habang nakadapang higa sa kama ko.

I can tell that he is big. I wonder how it feels to have him move in and out of me.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa naisip ko.

Kahit kailan talaga napakadumi ng isip ko!

Na-miss ko naman siya bigla kaya naisipan kong i-dial ang number niya na nalaman ko dahil magaling akong mag-imbestiga. Ilang ring pa ang lumipas bago niya 'yon sinagot.

"Hi, Hubby!" magiliw kong pagbati.

"Ano na namang kailangan mo?" naiinis na agad niyang tanong.

Lalo naman akong napangiti. "Ang pogi pala ng boses mo sa call, hehehehe."

"Tss."

"Paano pa kaya kapag---hehehehe," pambibitin ko naman.

"Kung wala kang matinong sasabihin, ibababa ko na ito."

"Huwag! Gusto pa kitang makausap, e," nakangusong sambit ko naman.

"Inaantok na ako."

"Ako hindi pa!"

"Problema mo na 'yan."

"Ehhh!"

"Bye---"

"Saglit lang kasi!!!" malakas kong sigaw.

"Ang ingay mo."

"Ibababa mo, e!"

Hindi naman siya nagsalita kaya napatingin ako sa phone ko upang tingnan kung naputol ba ang tawag. Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi niya 'yon binaba.

"May sasabihin pala ako."

"Ano 'yon?"

"I love you."

Hindi na naman ulit siya nagsalita, pero kahit na ganoon ay wala akong pakialam.

"'Yon lang naman naman ang gusto kong sabihin. Oh siya, goodnight, Hubby."

"M-Matutulog ka na?" tanong naman niya mayamaya.

"Yes, Hubby!"

Ilang segundo naman siyang nanahimik. "A-Akala ko ba hindi ka pa inaantok?"

"Eh, 'di ipilit, hahahaha!"

Narinig ko naman siyang humikab.

"Sleep na, Hubby. Inaantok ka na, oh!"

"I think I c-can stay up a l-little longer."

"Nako! Hindi na! Humihikab ka na nga, e!"

"I can still stay up."

"May pasok ka pa bukas!"

"Pareho tayong may pasok," pagpapaalala pa niya.

"Oo nga, pero baka ma-late ka nang gising kapag nagpuyat ka ngayon." Tiningnan ko naman ang oras sa phone ko. "Malapit na kayang mag-2 AM!"

"So?"

"Anong oras ba ang pasok mo?"

"Tuwing Lunes, umaalis na agad ako bago mag-alas sais."

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon