038 | DECLARATION OF WAR

73 3 0
                                    

ZANIYAH'S POV

As I looked at where Karl was standing, I couldn't help but think that the way he looked at me was filled with disgust.

Sorry... 'Yan ang tanging salitang naibulong ko na lang sa aking sarili habang nakatingin sa kaniya.

Alam kong mali ang ginawa ko dahil nakipagtalik ako sa una kong asawa kahit na may iba na akong asawa ngayon.

Siraulo kasi itong si Zale! Pinapatigil ko na, pero ayaw naman huminto!

Hindi ko pa man din mapigilang magpadala sa mga haplos niya sa akin lalo na't ilang dekada na rin ang lumipas simula nung huli naming makita ang isa't isa.

Paano ako hindi magpapadala kung hanggang ngayon ay may epekto pa rin siya sa akin?!

Aminado akong nang makita siya kanina ay nanumbalik sa akin ang pagsisisi sa nagawa kong pag-iwan sa kaniya noon. Pero nawala ang emosyong 'yon nang maalala ko ang larawang ipinakita sa akin ni Karl kung saan may kasama siyang babae.

Sydney Kiersten LaFromboise. 'Yan ang pangalan ng babaeng kasama ni Zale na kailan ma'y hindi ko makakalimutan.

May balak pa naman ako noong bumalik kay Zale, pero hindi ko na kasi siya nahanap at isang araw, biglang pinakita sa akin ni Karl ang larawan ni Zale kasama si Sydney kaya napilitan na akong sumama kay Karl.

Kung kaya niya akong kalimutan at palitan, kayang-kaya ko rin 'yong gawin sa kaniya. 'Yan ang nasabi ko sa sarili ko noon.

Kaya nang makita ko siya kanina at marinig ang mga sinabi niya, hindi ako naniwala. Pilit kong itinanim sa isipan kong kapag nagtagpo ulit ang landas naming dalawa ay itataboy ko siya nang paulit-ulit.

Pero kahit anong iwas ko pala, alam kong magkukusa at magkukusa pa ring lalabas ang katotohanang ang tunay na nagmamay-ari pa rin sa akin ay siya.

Kaya nga naangkin niya ako ngayon na kung tutuusin ay pwede namang hindi mangyari dahil kaya ko naman siyang labanan!

Inalala kong muli ang itsura ni Zale noon at itsura niya ngayon. Hindi ko maikakailang ang laki ng pinagbago ng katawan niya. Nung iwan ko kasi siya ay nangangayayat siya at kitang-kita ang pagbagsak ng katawan niya. Pero ngayon, masasabi kong mas nagmukha siyang matured kung ikukumpara sa itsura niya noon. Mas kumisig din ang katawan niya.

Ano kayang nangyari sa kaniya matapos naming maghiwalay ng landas?

Nawalan kami ng komunikasyon sa isa't isa dahil dinala ako ni Karl sa ibang nasyon para roon magpakasal. Iniwan ko siya sa Zoston nang walang binibigay na kasiguraduhan kung babalikan ko pa ba siya o hindi na kaya hindi ko rin siya masisisi kung nakahanap na siya ng iba.

Pero nagtataka ako, bakit nga ba siya nandito ngayon? Kung kailan ilang dekada na ang lumipas.

Narinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto nitong kwarto nang lumabas si Karl. Kinabahan naman ako nang mapagtanto ang pangyayaring nakita niya at ang posibleng mangyari sa oras na bumalik siya rito.

Agad akong tumihaya para sana harapin si Zale ngunit wala na siya sa likuran ko kaya naman pinilit kong bumangon hanggang sa nakita ko siyang nakatayo sa may closet ko, tila may hinahanap doon.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon