007

39 3 0
                                    

THEON'S POV

"May phone ka ba?" tanong ko kay Nyx habang sinususian ko ang pinto ng bahay ko.

"Wala." Nauna na siyang pumasok sa bahay. "Ito pa rin ba 'yung bahay kung saan mo ako dinala noon?"

Sumunod naman ako sa kaniya sa loob pagka-lock ko ng pinto. "Dito nga 'yon. Natatandaan mo pa pala?"

Bumaling naman siya sa akin. "Oo naman." Lumakad siya papunta sa isang pader. "Dito 'yon, 'di ba?" tanong niya habang may hinahanap. "'Yung may bakas nang nasunog na pader nung sindihan ko 'yung kandila noon?"

Lumapit naman ako at tinuro 'yung bakas ng nasunog na pader. "Ito 'yon," sambit ko habang hinahawak-hawakan 'yon.

"'Yung kurtina? Tinapon mo?"

"'Yung kasama sa muntik nang masunog noon?"

"Oo, nasa sa 'yo pa ba?"

Nilapitan ko naman 'yung cabinet na nasa ibaba ng mesang maliit dito sa sala. "Nandito 'yon, pero naka-lock, e," sambit ko pagkatapos tumayo upang hanapin ang susi sa may drawer.

"Hinahanap mo 'yung susi?" tanong niya mayamaya.

"Oo," sagot ko habang binubuksan isa-isa 'yung mga cabinet sa drawer.

Narinig ko namang tinulak ng paa niya ang gilid ng single sofa kaya napatingin ako roon. Lumuhod siya sa sahig saka tiningnan ang isang pader na may hugis pa-square sa likod mg single sofa. "Dito ko tinago."

Mabilis naman akong lumapit doon saka binuksan 'yon at nakita ko nga ang susi. "Alam ko nilagay ko 'yon sa drawer?" tanong ko sa kaniya pagkatayo ko.

Tumayo na rin siya at kinuha sa akin 'yung susi. "Fake 'yung inabot ko sa 'yo na nilagay mo sa drawer."

Tss. Kaya pala nung bumalik ako rito nang kinuha ko 'yung limang larawan namin ay hindi ko mabuksan 'yung cabinet gamit 'yung susi na nasa drawer.

"Ako na ang magbubukas," sambit ko at binigay naman niya ulit sa akin 'yung susi.

Habang pinapasok ko ang susi sa butas ay nanginginig ang mga kamay ko.

Lampas isang dekada na rin simula nung mabuksan ko ito. At 'yon ay nung kasama ko siya pagkatapos naming i-celebrate ang third anniversary namin.

~FLASHBACK~

Kagagaling lang namin sa dinner date na selebrasyon para sa ikatlong taon na naming magkarelasyon.

Dapat bago pa mag-gabi ay nakahanda na 'yung date namin, pero dahil hapon na rin nang makapunta siya sa Nefford ay ni-reschedule ko 'yung date namin at ginawang gabi.

"Theon, nasaan tayo?" tanong agad sa akin ng girlfriend ko pagkababa namin ng kotse ko.

Bago kami tuluyang lumakad patungo sa tapat ng pinto ng bahay ko ay kinuha ko ang isang panyo sa bulsa ko.

"Ano 'yan? Theon, para saan 'yan?" taka pa niyang tanong sa akin.

"Pwede ba kitang i-blindfold?" panghihingi ko pa ng permiso.

"Aish, oo na," napapangiti pa niyang sagot.

Ikinabit ko naman sa kaniya ang panyo para wala siyang makita sa lalakaran namin at masorpresa sa makikita niya sa loob ng bahay.

Inalalayan ko naman siyang maglakad at binitawan muna siya saglit nang makatayo na kami sa tapat ng pinto.

Kinapkap ko sa suot ko 'yung susi sa pinto ngunit hindi ko maman mahanap.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon