002

59 4 1
                                    

THEON'S POV

Mag-aalas singko na rin ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay na tinitirahan namin ng babaeng royalty.

Kakaparada ko lang ng sasakyan ko sa garahe at naglalakad na ako ngayon papasok sa loob ng bahay habang pinapaikot-ikot sa daliri ko ang susi na hawak.

"Bakit ang tagal mo?!"

Nagulat ako nang sumulpot bigla 'yung babae 'yon sa hagdan habang sinasarado ko pa lang ang pinto nang makapasok ako.

Lumakad siya pababa ng hagdan habang masama ang tingin sa akin at magka-cross pa ang mga braso. "Kanina pang hatinggabi nakauwi si Freya, so that means, kanina pa tapos ang misyon niyo. Now tell me, bakit ngayon ka lang?"

Hindi ko naman siya sinagot at nilampasan lang hanggang sa makaakyat ng hagdan.

Ngunit sadyang makulit talaga ang babaeng ito dahil hinatak niya ang braso ko at iniharap ako sa kaniya.

"Tinatanong kita kaya sagutin mo!" inis pa nitong sigaw sa akin.

Ang ingay niya, naririndi ako.

"Pagod ako." Inis kong binawi sa kaniya ang braso ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit ka pagod?!" pagsisigaw pa niya. "Saan ka ba kasi galing?! Nakipag-sex ka ba kaya ngayon ka lang nakauwi?!"

Natigilan ako sa paglalakad at nagtatakang bumaling sa pwesto niya.

"Ano?! Bakit hindi ka makasagot?! Kasi totoo?! Sabihin mo nga sa akin, nakailang rounds kayo---"

"What the fuck are you saying?" pagsasalita ko upang huminto siya sa pagsasalita.

"Nakakabwisit ka!" sigaw niya sa mukha ko at tumakbo paakyat saka padabog na sinarado ang pinto ng kwarto niya.

Hindi naman ako makapaniwalang napatingin na lang sa pinto ng kwarto niya.

Ganoon ba talaga 'yon magsalita? Walang kapreno-preno, e.

Umalis na rin ako sa may hagdan at tumungo na sa kwarto ko. Inilabas ko sa bag na hawak ko ang limang larawan na kinuha ko sa bahay na tinirahan ko nang lumayas ako sa mansyon namin.

Nahiga ako sa kama ko at tiningnan ang limang larawan kung saan magkasama kami ni Nyx. 'Yon ay kuha sa bawat pag-celebrate namin ng anniversary namin nang magkasama.

Kumusta na kaya siya?

Kinuha ko naman ang phone ko na nasa tabi ko at binasa ang conversation naming dalawa. Hindi ko pa siya name-message simula nung magkahiwalay kami.

I-message ko kaya siya? Pero ano namang sasabihin ko? Sasabihin ko bang kasal na ako? Paano kung magtaka 'yon dahil kahihiwalay lang namin tapos ngayon ay kasal na agad ako?

Napasabunot naman ako sa sarili kong buhok nang wala akong maisip na message na ise-send sa kaniya.

Inilapag ko na lang sa tabi ng kama ko ang limang larawan at pinatong doon ang phone ko saka nag-umpisa nang matulog.

~~~

*Ring!* *Ring!* *Ring!*

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko, may tumatawag. Kinapa ko 'yon sa tabi ko habang nakapikit pa rin saka 'yon sinagot.

"Hey," paos ang boses na sagot ko.

"Congrats sa kasal mo."

Sa isang iglap ay nawala agad ang antok ko nang marinig ang boses ni Nyx sa kabilang linya.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon