003

48 5 0
                                    

THEON'S POV

"Bakit ang tagal mo?" bungad sa akin ni Drix pagkababa ko ng kotse. "Kanina pa kami rito, hinihintay ka."

Lumingon naman ako sa buong paligid at nakitang marami na silang nandito. Hinanap ko naman 'yung babaeng 'yon ngunit hindi ko naman siya nakita.

Nasaan na 'yung babaeng 'yon?

"Tayo-tayo lang mula sa HQ 772 ang natitira rito. 'Yung kasapi ng ibang HQ ay umalis na dala 'yung mga bangkay na natagpuan sa sumabog na eroplano para imbestigahan," pagsasalita ng isa sa mga kasama ko sa HQ na si Van.

"Namatay lahat ng sakay ng eroplano?" tanong ko sa kanila.

"Walang namatay sa sumabog na eroplano," pagsasalita ni Drix.

Lalo naman akong naguluhan dahil sa sagot ni Drix. "Saan galing 'yung bangkay?"

"Walang namatay sa eroplano dahil umpisa pa lang ay wala nang buhay pa sa kanila. Mga bangkay ang nakasakay sa eroplano simula nung lumipad ito patungo rito sa airport," sagot ni Vlad.

May dalawang kotse naman ang biglang dumating at bumaba sa mga 'yon sila Raye, Xyven, Logan, Zack, Dimitri, Shea at Alia.

"Nasarado na naming lahat ang mga gate sa airport at itong gate na lang dito sa kinatatayuan natin ngayon ang nananatiling bukas," pagsasalita ni Raye.

Tumingin ako sa harapan kung nasaan ang eroplanong sumabog. Hindi naman pala buong katawan ng eroplano ang sumabog, may halati pang buo.

Narinig naming lahat ang yabag ng mga paa mula roon sa loob ng sumabog na eroplano kaya naging alerto kami.

Hirap na hirap maglakad ang babaeng lumabas roon habang nakawahak sa isang braso at baywang niya na nagdudugo.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya at inalalayan ito. Tinulungan naman ako nila Raye at Vlad na mai-upo sa isa sa mga mahabang upuan ang babaeng ito.

"Gamutin mo nga siya, Raye," utos ko sa kaniya na agad naman niyang ginawa. Bumaling ako sa babae at iniharap ito sa akin. "Anong ginagawa mo roon, Nyx?"

"I am currently on a mission," pag-uumpisa niya. "Hinahabol ko ang dalawang piloto na nagpapaandar sa eroplanong 'yan. Silang dalawa ay kabilang sa wanted list ng mga taong kinukuha mula sa hukay ang mga bangkay sa bawat sementeryo at dinadala sa hindi pa namin natutukoy na lugar."

"Ikaw ba ang naglagay ng bomba sa eroplano?" tanong sa kaniya ni Alia.

Umiling naman si Nyx. "Habang nasa himpapawid pa ang eroplano ay na-detect ko na ang mga bomba. Ang mga bombang 'yon ay gagamitin nila upang pasabugin ang eroplano kapag napag-alaman nilang may iba pang buhay ang nakasakay, maliban sa dalawang piloto."

"Paano ka nakapasok sa eroplano?" tanong naman ni Xyven.

"Pumasok ako sa isa sa mga body bag na pinaglalagyan ng mga bangkay. Lumabas lang ako nang mapagtanto kong lumilipad na ang eroplano."

"Ikaw lang mag-isa ang humahabol sa kanila?" tanong ni Drix.

"Oo, dahil ako lang naman ang ipinadala," sagot ni Nyx. "Napag-alaman ko ring ang lokasyon na pagdadalhan ng eroplano ay hindi rito dahil sa nakita kong mapa na punit-punit na ngayon, ngunit dahil nalaman nilang nasa loob din ako ng eroplano ay nag-emergency landing sila rito."

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon