012

35 3 0
                                    

FREYA'S POV

"Nasaan na kaya 'yon?" tanong ko sa sarili ko habang hinahalungkat ang mga gamit ko sa bag.

"Anong hinahanap mo?"

Napatingin naman ako kay kuya na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. Siya si Jiro Isaevar, ang nag-iisang anak ng mag-asawang sila Sylvester Isaevar at Rozalie Isaevar na parehong mula sa maharlikang pamilya.

Nakilala nila ako sa isang royal banquet na naganap kasama ang Zyvora Royal Family. Nakilala nila ako bilang isang butler ni Yze at nagustuhan agad nila ako, dahil na rin sa matalik na magkaibigan ang dalawang pamilyang Zyvora at Isaevar ay napagkasunduan nilang ampunin ako.

Nakilala ko ang Zyvora Family noong unang beses na makita ko ang ikaapat na anak nilang si Yzelizel. Ginusto ko agad na maging butler nito kaya nung mag-hiring sila ng pwedeng maging butler ni Yze ay agad akong nag-apply.

Nang maging isa na rin ako sa mga Isaevar ay hindi na ako naging butler pa ni Yze dahil sa tingin ko rin ay kaya nang humarap ni Yze sa mga may balak pang apihin siya.

"Aalis na muna ako, may naiwan ako sa building ng HQ 772, e," pagpapaalam ko pa kay kuya pagkaharap ko sa kaniya bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Hapon na rin nang magising ako at paggising ko ay nandito na ako sa bahay. Hinanap ko agad 'yung listening device na nakalagay sa bulsa ng coat ko nang hindi ko ito makapkap.

"Hinatid ka rito ni Jaxon kanina at nakatulog ka raw habang nasa sasakyan ka niya," pagsasalita pa ni kuya habang naglalakad kasunod ko. "Kaya wala kang motor. Iniwan daw sa parking lot ng building na sinasabi mo."

"Ihatid mo na lang ako roon, may kailangan lang talaga akong kunin," pakikiusap ko naman.

Mabuti at hindi na siya nagtanong pa kaya lumabas na kami ng mansyon at sumakay ng motor niya. Mabilis lang ang naging biyahe kaya ilang saglit lang ay nakarating agad kami sa building ng HQ 772.

"Mauna ka nang umuwi, nandito naman 'yung motor ko," sambit ko nang huminto siya sa parking lot.

"Umuwi ka rin agad dahil hindi tayo nakapagpaalam kila Mom at Dad," sabi pa niya, pero tinanguan ko lang siya.

Tinanaw ko muna siya saglit bago ako lumingon sa kabuuan ng parking lot. Tanging ang motor ko lang ang nandito at isang kotse na kulay pula.

Nagmadali naman ako sa pagpunta sa tapat ng building at kinabahan ako nang makitang bukas 'yung pinto at may mga ilaw pa sa loob.

Mabilis akong sumakay ng elevator at ang mga kamay ko ay parang may sariling buhay na pinindot ang fourteenth floor.

Nang huminto na roon ang elevator ay agad akong lumabas. Tumakbo ako sa silid na ginamit namin ni Yze kanina para pakinggan ang usapan nila Theon at Nyx.

Nanlamig ang mga kamay ko nang makitang nakanganga ang pinto at may ilaw sa loob.

Nang sumilip ako ay nakita ko si Raye na nakatayo at nakatalikod sa gawi ko habang hawak ang papel na naglalaman ng mga impormasyon mula sa HQ namin.

Sinadya ko talagang lakasan ang kalabog ng pinto pagkabukas ko nito para maagaw ko ang atensyon niya.

Lumingon naman siya sa gawi ko at hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin nang makita kong nasa mga kamay niya ang tatlong camera at 'yung hinahanap kong listening device.

Mabilis ko siyang sinugod sa pwesto niya habang hawak ko ang dagger ko ngunit muntik pa akong matisod nang bigla akong makaramdam ng hilo kaya hindi ko napansin ang mabilis niyang pag-agaw sa dagger na hawak ko.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon