006

40 3 0
                                    

THEON'S POV

"Huwag kang mag-alala dahil ang desisyon na ginawa namin ay mananatili si Nyx sa pangangalaga ni Theon at pangangalaga mo."

"Anong sabi mo, Larsen?!" reklamo agad ni Izel.

"Nyx will stay in your house so you can monitor her," sambit nung lalaking sinugod ni Izel na si Larsen.

"Bakit sa amin pa?!"

"Para wala silang kalokohang gawin kung silang dalawa lang ang magkasama," nang-aasar na sagot nung Larsen.

Hindi ko naman inalis ang matatalim na tingin ko sa lalaking 'yon. Kaninang umaga pa niya sinisira ang araw ko, simula nung magising ako.

~FLASHBACK~

From: Unknown Number
I am Larsen Astray, an officer from EL Org HQ 764. I will just inform you that we will be working with your HQ.
5:30 AM

Binasa ko ang text na 'yon nang magising ako.

Damn! 5:30 AM na pala!

Nang makatayo ako ay huminto ako sa tapat ng pinto ng bathroom dito sa kwarto ko.

Kung makakasama ko naman pala ang HQ nung babaeng 'yon, e, 'di pwede akong magpa-late?

From: Unknown Number
I forgot some introductions. I am Larsen Astray, your wife's ex-boyfriend slash ex-fiance. I am looking forward to meeting the guy my ex, Yzelizel Zyvora, is married to.
5:49 AM

Ex-boyfriend?! Ex-fiance?!

Hindi ko naman napansin ang oras na lumipas dahil hindi nawala sa isip ko 'yung text sa akin ng lalaking 'yon.

Nakakainis! Parang nawala ako sa mood pumasok sa trabaho!

Nagulat naman ako nang mapatingin ako sa orasan sa phone ko para sana i-text sila Raye na hindi na ako papasok.

Ang bilis naman ng oras! Malapit nang mag-alas otso!

Napilitan na lang akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama at lumabas ng kwarto. Pinakiramdam ko naman 'yung babae sa kwarto niya at nang wala akong marinig sa loob ay bumaba na lang ako ng hagdan.

Habang nagluluto ako ng umagahan namin ay biglang tumunog ang phone ko. May nag-text at mula na naman sa lalaking ex-boyfriend slash ex-fiance raw nung babaeng 'yon!

From: Unknown Number
Just go into your building, HQ 772, with your wife. Take her with you, or else I will steal her away from you.
8:03 AM

Ako pa talaga ang tinakot! Ano namang pakialam ko kung agawin niya sa akin 'yung babaeng 'yon?!

~END OF FLASHBACK~

"Hubby, ano? Papayag ka ba?" baling sa akin ni Izel.

"Hindi siya pwedeng manatili sa bahay namin," sagot ko.

Nakita ko naman kung paano nagningning sa tuwa ang mga mata ng mga kasamahan ko sa HQ 772 dahil sa sinabi ko.

Bumaling naman ako kay Nyx. "Kung gusto niyong mabantayan ko siya hanggang sa ma-clear na wala talaga siyang connection sa dalawang piloto, sa bahay ko na lang siya mananatili, hindi sa bahay namin ni Izel."

Lahat naman sila ay hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Paano mo naman siya mababantayan?" tanong naman nung lalaking katabi ni Larsen.

"Pumupunta naman ako sa bahay ko paminsan-minsan, pwede ko 'yon dalasan kung kinakailangan para lang mabantayan si Nyx."

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon