019 | CRUISE SHIP V

51 2 0
                                    

RAYE'S POV

Saturday, 10:15 AM.

At dahil naunang lumayas si Freya mula sa room ko ay mag-isa ko na lang tinahak ang lugar kung saan kami nagkita kagabi ng mga kasamahan ko.

Nag-message kasi sa aming lahat si Lynch na gusto niyang magkita-kita kaming lahat.

"Nandito na si Raye," pagsasalita ni Martin nang makita ako.

"Hindi mo yata kasama si Rea?" tanong pa ni Jim.

"Nauna na ako sa kaniya, e," naisagot ko nalang.

Lumingon naman ako sa paligid at napansing kulang pa kami. Hinintay naman namin ang iba pa hanggang sa makumpleto na kami at si Freya na lang ang wala.

Wala ba 'yong balak pumunta rito? Tch. Bahala siya.

"Si Freya na lang naman ang kulang, ako na lang ang magsasabi sa kaniya nang napag-usapan natin ngayon," pagsasalita ko.

Tinanguan naman nila ako.

"May na-receive ba kayong email mula sa org?" tanong sa amin ni Lynch.

"Wala pa," sagot ni Jim.

"Wala pa rin ako," sagot din ni Pearl.

"Wala pa rin," sagot ni David.

"Halos lahat naman yata tayo ay wala pang natatanggap?" patanong na sabi ni Martin.

"Kayo ba, may natanggap kayo?" tanong ni Alicia kila Lynch at Ralph.

"Si Lynch lang ang may natanggap," sagot ni Ralph.

"Anong laman ng email?" tanong ni Alicia nang bumaling siya kay Lynch.

Huminga muna nang malalim si Lynch bago nagsalita. "Sa cruise ship na ito ay may limang special mission tayong kailangang matapos."

"Anu-ano 'yung limang 'yon?" tanong naman ni David.

Bumaling sa kaniya si Lynch. "Hindi sinabi sa email. Ang binanggit lang ay kailangan nating matapos ang limang special mission bago pa man dumaong itong cruise ship sa Castijon Island."

"Kailan dadaong ang barko sa isla?" tanong din ni Martin.

"Monday, eight in the evening," sagot ni Lynch.

"Saglit na lang pala dahil Sabado na ngayon. Matatapos kaya natin ang limang special mission na 'yon?" tanong din ni Jim.

"Ang duga naman ng org! Hindi na lang direktang sinabi kung anu-ano ang mga 'yon, para sana hindi na tayo mahirapan," reklamo ni Pearl.

"That's the purpose of the black envelope. Ang pahirapan tayo," pagsasalita ko bigla.

Naglingunan naman silang lahat sa akin.

"May natanggap ka bang email mula sa org? Ikaw lang kasi ang kanina pang tahimik," tunog nanghihinala na tanong sa akin ni Martin.

"Wala akong natanggap," kalmadong sagot ko.

"May napapansin ba kayong kakaiba sa barko? 'Yung mga tao rito, may kakaiba ba sa kanila?" biglang tanong ni David.

Wala namang nakasagot sa tanong niya. Mahahalatang may nalalaman sila ngunit tinatago lang nila dahil alam nilang tataas ang ranggo nila sa headquarters nila kapag naresolba nila ang mas maraming misyon kaysa sa mga naresolba ng kasamahan nila sa misyon.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon