031

61 2 0
                                    

WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds.

YZELIZEL'S POV

"Fuck, nasaan na siya?"

Agad akong nasalo ng mga braso niya bago pa man ako tuluyang matumba. Gulat siyang napatingin sa akin nang makita ako at ako naman ay mabilis siyang tinulak para bitawan ako.

"I-Izel—" gulat niyang bigkas sa pangalan ko. "What are you doing here?"

"Sinong hinahanap mo?" kunot-noong tanong ko. "Sino ang kasama mong naninirahan dito?" turo ko sa bahay na pinasukan niya.

Bigla namang nagsalubong ang mga kilay niya. "Huwag ka ngang mag-iskandalo rito."

"Sagutin mo muna ang tanong ko!" sigaw ko. "Akala mo ba hindi ko alam na hatinggabi ka na kung umuwi?!" dagdag ko pa at pakiramdam ko'y namasa agad ang mga mata ko.

"Delikado rito. Hindi mo kilala ang mga taong nandito," pagsasalita pa niya nang hindi sinasagot ang tanong ko.

"Wala akong pakialam!" pagmamatigas ko pa.

Napabuntong-hininga naman siya at hinawakan ang pulsuhan ko saka ako hinatak papasok sa bahay na pinanggalingan niya kanina.

Agad niya akong binitawan bago sinarado ang pinto pagkapasok namin. "Kung gusto mong magwala, huwag doon sa labas dahil maraming makakakita at magagalit kapag narinig ka!"

"Ayaw mo kasing sagutin ang tanong ko!" sigaw ko sa kaniya.

"Pwede bang kumalma ka muna?" inis na pakiusap niya. "Oo, hatinggabi na ako nakakauwi sa bahay natin. Tss. Kung ganoon, gising ka pa pala nung mga oras na 'yon?"

"Dahil nag-aalala ako sa 'yo, baka mamaya hindi ka umuwi at kung ano na ang nangyari sa 'yo!"

"Uuwi ako. Kung hindi ako uuwi, magsasabi ako."

"'Yon nga ang isa pang problema, e! Hindi ka madalas tumawag o kahit mag-text man lang sa akin!"

"Dahil hindi rin naman ako madalas gumamit ng phone ko!"

Siniringan ko siya at napayuko sa sahig. "K-Kahit na. Pwede ka namang maglaan ng kahit kaunting oras para roon, e. Hindi mo naman kailangang mag-text o tumawag minu-minuto, basta mag-update ka sa akin ng umaga, tanghali at gabi. Kung ayaw mo ng ganoon, pwede namang kahit tanghali na lang o kaya hapon."

"Tss. Ikaw nga rin, hindi nag-a-update sa akin."

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko nang tingnan ulit siya. "Nag-a-update kaya ako sa 'yo! Hindi ka nga nagre-reply, e!" Natahimik naman siya kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Napakatamad kasing mag-reply," mahinang bulong ko pa.

"What?!"

"Wala!" sigaw ko.

"You are being demanding, you know?" biglang seryosong tanong niya.

"Talaga!" lakas-loob na sagot ko. "May karapatan akong mag-demand, e!"

"At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan tungkol sa bagay na 'yan?" nakangiwing tanong niya.

Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Duh! Siyempre nung maikasal ako sa 'yo!"

Tumaas naman ang gilid ng labi niya at hindi na nagsalita pa.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon