032

59 2 0
                                    

YZELIZEL'S POV

Ikinabigla ko ang mahigpit na paghawak ni Theon sa pulsuhan ko at paghatak niya sa akin para pasakayin ako sa passenger seat.

Nang makasakay siya sa driver seat ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse ko at sa isang iglap ay pinarada niya 'yon sa loob ng garahe niya.

Mabilis siyang bumaba ng kotse ko at pinagbuksan ako. "Baba."

Agad akong bumaba ng sasakyan at malakas naman niyang sinarado ang pinto ng kotse bago ako sinandal doon.

Tumitig siya sa mga mata ko at agad akong nakaramdam ng kaba nang makita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.

"H-Hubby?" pagtawag ko sa kaniya nang hawakan ang pisngi niya.

Ang kamay kong nakahawak sa mukha niya ay kinuha niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. "B-Bakit niyo kailangang tingnan ng ganoon ang isa't isa?"

Hindi naman ako nakasagot!

"M-Magkakilala ba kayo?" parang batang tanong pa niya sa akin.

Gusto kong iiwas ang paningin ko sa kaniya ngunit hindi ko magawa dahil parang hinihigop ako ng mga mata niya at sinasabing sa kaniya ko lang dapat ituon ang paningin ko.

"K-Kilala mo ba siya?" pagtatanong niya ulit.

Dahan-dahan akong umiling. "H-Hindi..." pagsisinungaling ko. "Hindi ko siya kilala," pag-uulit ko at pinaramdam sa kaniyang nagsasabi ako ng totoo habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit. "Do you love me?"

Napalunok naman ako dahil sa tanong niya. "Of course, I do love you, Hubby," sinserong sagot ko.

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin bago ako iniharap sa kaniya. Hinawakan niya ang baba ko para tingalain ko siya. "You are mine."

Hinihigop ako ng mga mata niya, hindi ko magawang iwasang tingnan. "I am yours."

Naramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa labi ko at hinalikan ako nang marahan, mabagal at dahan-dahan.

Napapikit naman ako at sinabayan din ang mga galaw niya.

I am sorry, Theon. Nagsinungaling ako. Kilala ko ang lalaking 'yon, kilalang-kilala ko.

ZALE'S POV

"Good evening," bati sa akin ng isang babae pagkapasok ko ng bahay. "Ginabi ka na yata?"

Pagod kong sinalampak ang sarili ko sa mahabang sofa. "May kinausap lang ako."

Hindi ko naman maiwasang maalala ang pag-uusap namin ni Theon.

"Mag-iingat ka sa asawa mo," mahinang sambit ko sa kaniya nang mapansin ko sa bandang likuran niya ang isang nakaparadang kotse na kanina naman nung dumating ako ay wala.

Sa totoo lang, kanina pa ako nandito. Nakita ko pa nga ang pag-alis ng kotse ng mga kasamahan ni Theon. Hindi lang talaga agad ako umalis dahil nagbabakasakali akong may maabutang pauwi pa lang. At doon ko nga nakita si Theon.

Gusto ko kasing may makausap na kahit sino sa kanila sa kung anong plano namin bukas dahil death anniversary 'yon ng mga officer sa HQ 772.

"Anong pangalan ng asawa mo?" tanong ko pa kay Theon habang ang mata ko ay palihim na nakatingin sa babaeng nakatanaw sa amin.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon