017 | CRUISE SHIP III

74 3 0
                                    

WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds.

RAYE'S POV

"I am Rea, from HQ 772."

Huh?! Anong HQ 772 ka riyan?! Saka ano? Rea? Tch!

Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya sabay napanguso sa gilid ko nang pandilatan niya ako ng mata.

"Oh? Magkapareho pala kayo ng building?" tanong sa amin ni Ralph habang nagpapalit-palit sa amin ng tingin.

"Yeah, 'di ba, Raye?" sarkastiko pa niyang tanong. "Iniwan niya kasi ako kaya hindi kami magkasabay."

Hindi naman ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Wala ka man lang bang script diyan?

"Hahahaha! Pareho pala tayo, e!" natatawang sabi ni Ralph at umakbay sa balikat ni Freya.

Hindi ko maiwasang mapatingin doon nang masama lalo na nang hindi niya inalis 'yung kamay niya roon.

"Iniwan din ako nito ni Lynch, e!" nguso pa ni Ralph sa katabing lalaki na hindi naman siya tiningnan dahil titig na titig ito sa katabi kong babae na si Alicia na nakatingin lang sa hawak niyang tablet.

"Bakit nga pala hindi ka ma-detect sa tracking device?" tanong bigla sa kaniya ni Martin.

"Naiwala ko 'yung hikaw ko, e," sagot ni Freya.

Lumakad naman ako papunta sa pwesto niya at gumitna sa kanila ni Ralph para matanggal ang pagkakaakbay nito sa kaniya.

"Kung ganoon pala, siyam talaga tayo?" singit sa usapan ni Jim.

"Magpakilala muna tayong lahat sa bagong dating," suhestiyon ni Alicia nang ibaba ang tablet na hawak.

"Mamaya na, siguraduhin muna nating kumpleto na talaga tayo," tutol pa ni Lynch habang nakatingin kay Alicia ngunit nang balingan siya ng babae ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

"Ilan 'yung binanggit sa 'yong magkakasama ngayon sa misyon?" tanong naman ni David kay Freya.

"Kasi ang sabi sa amin ay fi---" Natigilan si Ralph nang sikuhin siya ni Lynch. "Ah---hahaha, wala pala, n-nakalimutan ko," kakamot-kamot sa ulong usal niya pa.

Nilingon ko naman si Freya na walang pakialam sa nangyayari. "Fourteen," sagot niya habang nakatingin sa malayo.

Akalain mo nga namang 'yan din ang isasagot niya, pero ano nga ba talaga ang totoo? Fourteen? Fifteen? Twenty?

Napatango naman silang lahat sa sagot niya.

"Let's introduce ourselves to each other for the last time. Sabihin niyo rin kung ang partner niyo ba ay wala at ang dahilan kung bakit hindi siya sumama," pagsasalita ni Lynch. "Ako ang mauuna. I am Lynch Vaughn, from headquarters 725."

"Ako sunod!" sigaw pa ni Ralph. "I am Ralph Conway and I am also from headquarters 725."

Dahil paikot ang ginagawa namin ay ako na ang sumunod. "I am Raye Paxaeris, from HQ 772."

Napatingin naman ako sa katabi kong si Freya. "I am Rea Smith, from HQ 772," pagpapakilala niya habang nakatingin pa rin sa malayo.

Para naman siyang hindi interesado sa nangyayari!

"I am David Boone, from HQ 697. My male partner isn't here because of some emergency."

"Hi, everyone! I am from HQ 693, Pearl Lindsay nga pala! 'Yung partner ko namang lalaki ay wala rito dahil nilalagnat siya"

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon