021 | CRUISE SHIP VII

62 1 0
                                    

FREYA'S POV

"Maupo ka muna kaya?"

Bumaling naman ako kay Raye na nasa single sofa, nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakade-kwatro ng upo.

Hindi ko naman pinansin si Raye. Nagpatuloy lang ako sa pag-ikot-ikot sa silid niya dahil kinakabahan ako sa katotohanang ako si Freya.

Bakit ako ipapapatay ng org?

Kanina matapos naming mag-usap kasama sila Ralph ay nauna nang magpaalam ang dalawa hanggang sa kaming dalawa na lang ni Raye ang naiwan sa may bow.

Hindi naman nagtanong sa akin si Raye at hinayaan niya lang akong mag-isip-isip na muna habang nasa tabi ko siya.

Nang magdilim ay inaya niya akong umalis na roon. Pumunta muna kami ng restaurant at nag-take out doon ng pagkain bago kami pumunta rito sa room niya.

Nang matapos naming kumain ay binagabag na naman ako ng isip ko tungkol sa mga sinabi kanina ni Ralph kaya ang nangyari ay inaya ako rito ni Raye sa may sala at pinaupo sa sofa para kausapin ako nang masinsinan at pakalmahin.

Ngunit dahil hindi talaga ako mapalagay sa nangyayari ay tumayo ako saka nagpaikot-ikot ng lakad.

"Raye! Kinakabahan talaga ako!" pagsasalita ko nang huminto ako sa harapan niya.

"May alam ka ba tungkol sa mga sinabi ni Ralph?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi ko nga rin alam na may balak pala ang org na ipapatay ako."

"Wala kang narinig tungkol sa cruise ship na lumubog?"

"Wala talaga," sagot ko. "Ang alam ko lang ay totoo 'yung sinabi niyang ako 'yung Goddess na napadpad sa Castijon Island tatlumpung taon na ang nakararaan."

Bigla naman akong may naalala kaya napahawak ako sa bibig ko. Nagtataka namang tiningnan ako ni Raye.

"Pero nung mga panahong 'yon ay may ginawa akong kalokohan, e," pag-amin ko.

"Anong klaseng kalokohan?"

Napayuko naman ako. "Thirty years ago, I made an announcement."

"Anong announcement?"

Nag-isip naman ako kung paano ko 'yon sasabihin sa kaniya. "Ipinakilala ko ang sarili ko na ako si Freya, ang Goddess of Love."

"Kaya pala alam nila na isa kang Goddess," mahinang sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya. "Kaya nga pinutulan ko ang buhok ko para hindi masyadong halata."

"Pero may mga tao pa ring makakakilala sa 'yo kahit putulan mo pa ang buhok mo," kontra niya pa.

Napahawak naman ako sa maikli kong buhok. "Alam ko, pero at least hindi nila ako makikilala agad sa unang kita nila sa akin."

"Ano pang kalokohan ang ginawa mo noon?" rektang tanong niya.

Napabuntong-hininga ako. "Sa Castijon Island ay may isang malawak na lupain. Matatagpuan doon ang isang studio na walang nagmamay-ari. May camera ang nakahanda sa harapan ng malaking screen na pinapakita ang mga nangyayari sa buong isla. Kapag binuksan ang camera ay kusang mabo-broadcast 'yon sa iba't ibang international channel," mahabang sabi ko. "Nang malaman ko kung paano 'yon gamitin ay ginamit ko agad 'yon para i-broadcast ang sarili ko sa buong mundo at malaman nilang nandito ako sa mundo nila," dagdag ko pa.

Inalala kong mabuti ang eksaktong salita na sinabi ko nung mga panahong 'yon.

"To all the creatures living in this world, I am here to announce that the abandoned place that nobody attempts to enter due to the presence of numerous wild beasts will now be known as Nefford. I declare that this snowy island, where I am standing right now, is going to be named Castijon Island. In order to put an end to the international conflict, Castijon Island is now part of Nefford.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon