014

57 3 0
                                    

THEON'S POV

Pagkauwi namin galing sa HQ ay agad akong tumungo sa kwarto ko para maligo at nang matapos ay nahiga ako sa kama.

Si Izel ay iniwan ko sa baba nang may tumawag sa phone niya. Hindi ko na nagawang makapagpokus pa dahil sa dami ng katanungan na nabuo sa isipan ko.

Bakit ganoon? Akala ko ba ay nasa wanted list ang dalawa sa tatlong magkakapatid na 'yon?

'Yon ang sabi ni Nyx, taliwas sa sinasabi ng tatlong magkakapatid.

Paano nangyaring napag-utusan lang sila kaya nila ginawa 'yon? Nagsisinungaling ka ba, Nyx? O ang tatlong magkakapatid ang nagsisinungaling?

Ngunit kahit na ganiyan ang laman ng isip ko ay mas naniniwala pa rin ako sa sinasabi ni Nyx.

Tss. Akala ko ba ay hindi na siya makakabalik pa rito? Kaya nga siya nakipaghiwalay sa akin, e. Tapos ilang araw pa lang ang nakalilipas ay nandito na naman siya, nasa tinitirahan ko pa!

Bigla ko namang naalalang may kailangan akong tawagan para mag-monitor kay Nyx na nasa pamamahay ko.

Tumayo naman ako para kunin ang phone ko na nasa hinubad kong damit kanina. Habang hinahanap ko ang phone ko ay may nahulog na isang pirasong maliit na papel mula sa coat ko. Binuklat ko naman 'yung maliit na papel.

'We are being monitored, they can hear our conversation.' - Nyx

Nalito naman ako.

Huh? Sino namang tinutukoy niyang 'they'?

Bigla naman akong kinabahan.

Hindi kaya... alam na niya ang tungkol sa mga surveillance cameras at wiretaps na naka-install sa buong bahay ko?

Napailing-iling ako.

Hindi... hindi! Imposible 'yon! Baka iba 'yung tinutukoy niya. Pero kung iba nga 'yon... sino naman kaya?

Napapagod na akong mag-isip pa kaya hindi na ako nag-isip pa at nag-dial na lang sa numerong tatawagan ko.

~~~

Alas onse na ng gabi nang maisipan kong bumaba para kumuha ng maiinom at naabutan ko naman si Izel sa dining area na katapat ang laptop niya habang may kinakausap doon.

"Ano?! Teka, kailan ka ba aalis?" nagugulat na tanong niya.

Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso na lang sa refrigerator para kumuha roon ng pitsel at isinalin ang laman no'n sa basong kakukuha ko lang din.

"Ewan ko. Ang sabi lang ay kailangang handa na lahat sa Biyernes, e," dinig kong boses ni Freya.

"Pero bakit naman solo ka lang?! Ang pangit naman niyan!" sigaw pa ulit ni Izel.

"Hindi na 'yon bago, palagi naman akong solo flight."

"Haysttt!!! Paano ka na niyan?! Hindi mo nga alam kung saan 'yang port na 'yan, e! Buti sana kung may kasama ka!"

"Wala silang binibigay na mapa, e."

"Ang duga nila, ah! Dapat mayroon!"

"Bahala na talaga," napapabuntong-hininga pang sambit ni Freya.

"Nasabihan mo na ba 'yung mga officer natin? Sila Larsen?"

Tss. Ang pangit talaga ng pangalan na 'yan!

"Na-forward ko na sa kanila ngayon-ngayon lang. Ngayon ko lang din kasi na-receive 'yung tungkol sa misyon."

Matapos kong uminom ay binalik ko na ang pitsel sa loob ng ref.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon