026 | ZOSTON II

49 1 0
                                    

DWIGHT'S POV

Isang linggo ang lumipas at nanatili lang ako rito sa Escaria dahil hindi naman na ako kailangan pa ng kapatid ko tutal may asawa na siya.

"Wala ka bang ibang magawa sa buhay kundi ang guluhin ako?" naiinis na namang tanong sa akin ni Leonelle.

Katulad ng nakasanayan ay nandito na naman akong muli sa campus ng University of Greenville at sinusundan siya.

"Wala, hahahaha, patambay-tambay lang," natatawang sagot ko.

"Maghanap ka ng ibang guguluhin, huwag ako," naiiritang sambit niya.

"Ikaw nga ang gusto kong guluhin, e," nasabi ko na lang bigla.

Bigla naman siyang nanahimik kaya nilingon ko siya. Nakatingin siya sa mga halaman na siya ang nagtanim.

Lumapit naman ako roon at pumitas ng bulaklak saka 'yon inabot sa kaniya.

Nagtatakang tinanggap niya 'yon bago tumingin sa akin kaya naman nginitian ko siya. "Gusto lang kitang bigyan ng bulaklak."

Nginiwian niya ako. "Galing pa talaga mismo sa tanim ko, 'no? Ako nagtanim tapos 'yon din mismo ibibigay sa akin."

"Hahahahaha! Ako naman pumitas!" natatawang sabi ko ngunit siniringan niya lang ako. "Hayaan mo, next time galing na sa akin."

Napansin ko naman ang pamumula niya na ikinatuwa ko.

~~~

Isang buwan ang lumipas at sa buong buwan na 'yon ay madalas kaming magkasama ni Leonelle.

Rank #10: Leon McClain

Nilingon ko ang katabi kong tuwang-tuwa sa nakita niya. "Labas tayo," pag-aaya ko.

Nilingon naman niya ako. "Bakit?"

"I-celebrate natin ang pagkakapasok mo sa Rank 10," nakangiting sagot ko.

Hindi naman siya kumontra kaya magkasama kaming lumabas ng university. Bakasyon na nila ngayon kaya naman pwede siyang makalabas ng university.

Nilibot namin ang buong Escaria nang magkasama nang malaman kong hindi niya pa pala nalilibot ang Escaria dahil simula nung pumunta siya rito ay dumiretso agad siya sa University of Greenville.

Sa loob ng isang buwang magkasama at magkausap kaming dalawa ay marami akong nalaman tungkol sa kaniya.

Ang pamilya niya ay naninirahan sa Tarestrazya, isa sa mga estado ng Zoston. Dito niya naisipang mag-aral dahil gusto niyang matutunan ang tungkol sa mga drugs at poison.

Hindi na ako dapat pang magulat dahil bilang lang ang unibersidad na pinag-aaralan ang tungkol sa mga drugs at poison, ang University of Greenville ay isa sa mga 'yon.

Isa sa mga pangarap niyang maabot habang nag-aaral siya rito ay makamit ang pagiging Rank 1.

Nalaman ko ring ang kaniyang ina ang dahilan kung bakit siya nagpapanggap na lalaki.

Ang kaniyang ina ay pinipilit siyang magpakalalaki dahil ang una nitong anak ay lalaki ngunit namatay ito dahil sa sakit.

Hanggang sa ilang buwan ang lumipas matapos no'n ay nabuo si Leonelle. Ang inaasahan ng kaniyang ina ay lalaki ang magiging anak nito ngunit ang naisilang sa mundong ito ay isang babaeng may katangian na panlalaki.

Napamahal na ang kaniyang ina sa panganay nitong lalaki at dahil magkamukhang-magkamukha ang panganay nito at si Leonelle ay pinilit niya itong magpakalalaki para kahit papaano ay maramdaman niya pa ring kasama niya ang kaniyang panganay.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon