011

40 3 0
                                    

RAYE'S POV

"Ibabalik ko lang sa 'yo itong dagger mo. Kinuha ko 'yan kanina mula sa 'yo nang ihatid kita rito sa infirmary room. Nakapagpaalam naman ako sa 'yo, pero hindi mo naman narinig dahil wala kang malay. Umalis din kasi agad ako pagkarating ni Jaxon para habulin namin 'yung tatlo."

Napahinto naman ako sa pagsasalita dahil nanatili lamang nakatuon ang paningin niya sa mga mata ko at hindi kinukuha mula sa kamay ko ang dagger niya na inaabot ko sa kaniya.

"Hey?" Kumaway ako sa harapan niya ngunit walang nagbago sa postura niya. "Are you okay?"

Mayamaya pa ay gulat siyang napatingin sa akin nang makitang sobrang lapit ko na sa kaniya kaya mabilis siyang napaatras.

Umayos naman ako ng tayo at inabot ulit sa kaniya ang dagger niya. "'Yung dagger mo---" Hindi na niya ako pinatapos magsalita dahil mabilis niyang kinuha sa kamay ko 'yung dagger.

"Salamat," sambit niya at nagmamadaling lampasan ako para lumabas ng silid.

Anong nangyari roon?

Nalilitong lumabas din ako ng silid at siniguradong ni-lock ko muna ang pinto. Binilisan ko naman nang kaunti ang lakad ko para mahabol siya. Sakto namang huminto ang elevator sa floor namin ay nasa likuran na niya ako kaya sabay kaming sumakay doon.

Nasa harapan ko siya at nasa bandang likuran ako kaya hindi ko maiwasang tumingin sa kaniya at mag-alala. "Ayos ka lang ba?"

Hindi naman siya sumagot hanggang sa marating na namin ang palapag na pupuntahan.

Nakabantay naman ako sa likuran niya habang naglalakad kami. Mayamaya pa ay bigla siyang nawalan ng balanse kaya mabilis ko siyang inalalayang tumayo nang maayos bago pa man siya bumagsak sa sahig.

"Hindi pa yata maayos ang kalagayan mo, magpahinga ka muna kaya?" tanong ko sa kaniya habang hawak siya.

Napatingin na naman siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

Inalalayan ko naman siyang maupo sa mahabang upuan na nasa gilid. "Nauuhaw ka ba?"

Umiling naman siya kaya lalo kong hindi malaman ang gagawin ko.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ko ulit, pero umiling lang ulit siya.

Nanatili naman ako sa tabi niya at nag-isip ng pwedeng gawin.

"Tatawagin ko 'yung asawa ni Theon, dito ka lang." Akmang tatayo ako nang hawakan niya bigla ang damit ko para pigilan ako. "Bakit? May masakit ba sa 'yo?" tanong ko pa at muling naupo sa tabi niya.

Umiling na naman siya. "G-Gusto ko nang umuwi."

"Sige, tatawagin ko 'yung kaibigan mo." Tatayo na ulit sana ako nang pigilan na naman niya ako.

Naupo na lang ako ulit at kinuha ang phone ko sa bulsa ko dahil ayaw akong patayuin ni Freya. Nag-text na lang ako kay Theon na papuntahin ang asawa niya rito.

Mayamaya pa ay nakita ko siyang lumabas sa hindi kalayuan na silid at kasama niyang naglakad patungo sa pwesto namin 'yung asawa niya.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon