039 | CONFESSION & REJECTION

65 2 0
                                    

ZANIYAH'S POV

Naiwan ako sa classroom namin dahil pinatawag ako kanina sa office para kausapin ako regarding sa pageant na sasalihan ko.

Pagkatapos naman ay bumalik ako sa room ko dahil naiwan ko ang isa kong libro na kailangan kong iuwi dahil may mga assignments na ibinigay sa amin ang aming guro kanina na kailangan ko ring maipasa bukas.

"Ang kalat naman." Napabuntong-hininga naman ako habang pinupulot ang mga basura sa sahig. "Tumakas na naman 'yung mga kaklase kong cleaners, hayst!"

Napilitan na lang akong linisan ang classroom namin dahil baka mayari pa kami bukas kapag nakita ng guro namin na may mga naiwang kalat dito.

Nang matapos ay tuwang-tuwa naman akong lumabas ng classroom at nagpaalam sa mga teacher na nakasalubong ko.

Sumilip ako saglit sa room ng crush ko. Magkaiba kasi kami ng section, pero same lang naman kami ng grade level. Pareho kaming fourth year.

Nalungkot naman ako nang hindi siya nakita, kanina pa yata nakauwi.

~~~

"Ay, bwiset naman!"

Nang makalabas ako ng gate ng university namin ay maliwanag pa, ngunit ngayon ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman napatakbo ako sa malapit na waiting shed.

"Oh my, basang-basang na ako!"

Ang hawak kong panyo ay pinamunas ko sa aking bag at kabadong binuksan ang bag kong basa na ang ibang gamit.

Mangiyak-ngiyak akong napatingin sa libro ko na kapag nabasa o nasira pa naman ay babayaran ko ng limang libo.

"Nakakainis naman itong panahon!"

Hindi naman masyadong nabasa 'yung libro ko, pero sa taas banda ng mga pahina ay mahahalata 'yung marka nilang natuluan ng tubig-ulan.

Napatingin naman ako sa uniform ko at nakitang basang-basa na rin ang blouse ko.

Naupo nalang muna ako rito sa waiting shed habang naghihintay na tumila ang ulang mukhang wala namang balak huminto.

Mamamalengke pa naman sana ako ngayon kaya nagdesisyon akong maglakad nalang pauwi para makabili ng ulam namin ngayon ng kapatid ko.

Wala pa naman akong dalang payong dahil hindi ko naman akalain na uulan ng ganito. Bihira pa naman may dumaan na sasakyan dito.

Nag-aalala rin ako sa kapatid ko.

Ilang minuto ang lumipas, mayamaya pa ay natanaw ko ang isang truck na mabilis ang takbo na dadaan sa kalsadang nasa harapan ko. Kinabahan naman ako dahil baha pa naman sa daanan, mababasa ako kapag nagkataon dahil tatalsik sa akin ang tubig.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang bag ko para umalis sa pwesto na 'yon, nang bigla kong maramdamang may taong tumayo sa tabi ko.

"Natalsikan ka ba?"

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses na bihira ko lang marinig dahil hindi naman siya palasalita. Hindi naman ako nakasagot at napatingala nalang sa kaniya.

Nakita ko si Archimedes na nakabukas ang dalang payong na siyang pinangharang niya sa tubig na tumalsik dahil sa dumaan na truck.

"I-Ikaw yata 'yung natalsikan," mahinang sambit ko nang mapatingin sa t-shirt niyang basang-basa.

Napatingin din siya sa tinitingnan ko bago bumaling ulit sa akin. "Nasa ulanan na ako kanina pa."

"E-Eh? Why?" Nagtaka ako nang makitang may bitbit siyang bakal doon sa isa niyang kamay.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon