010

30 3 0
                                    

FREYA'S POV

Lumakad si Raye papasok dito sa loob ng elevator. Nang makitang hindi ako umalis ay humarap siya sa akin. "Hindi ka ba bababa sa floor na ito?"

Hindi ko naman siya sinagot at lumakad na lang palabas ng elevator. Muli ko siyang binalingan ng tingin kaya napatingin din siya sa akin.

Naramdaman ko namang parang may dumaan sa gilid ko kahit kaming dalawa lang ni Raye ang nandito. Bago pa man sumarado ang pinto ng elevator ay nakita ko kung paano parang may pumigil sa pinto ng elevator at pumasok doon.

Tsk. It seems like someone is using invisibility magic.

Mukhang nandito 'yung lalaking nakita ko nung gabing hinahabol namin 'yung isang piloto at paniguradong hindi 'yon napansin nila Raye dahil gumagamit ito ng invisibility magic kaya akala siguro nila ay siya ang balak kong patayin kahit na 'yung invisible man naman ang pakay ko.

Ano naman kayang kaso ni Raye sa lalaking 'yon para sundan siya hanggang dito?

Hindi ko namalayan ang sarili kong hindi na umalis sa kinatatayuan ko at hinintay na makabalik si Raye.

Nang makita kong may bababa sa floor na ito ay umayos ako ng tayo at hinanda ang dagger na hawak ko.

Ramdam ko ang pagkabigla ni Raye nang pagbukas ng pinto ay nakita niya ako sa labas. Ngunit ang atensyon ko ay natuon sa invisible man na sa tingin ko ay nasa likuran niya kaya mabilis kong binato 'yung dagger na hawak ko patungo sa gawi niya, pero dahil nakaharang si Raye sa harapan nito ay siya ang nakasalo sa dagger ko.

Nangunot ang noo niya nang makita ang binato ko sa kaniya kaya masama ang tingin niya nang bumaling sa akin habang palabas siya ng elevator.

"Ano na naman ba ito?" tanong niya pagkalapit sa akin. Naramdaman ko naman ang invisible man na dumaan sa gilid namin.

Napabuntong-hininga ako nang mawala na sa paligid ang presensya ng invisible man.

"Akin na ang dagger ko," mahinahon kong sabi kay Raye.

"May balak ka bang patayin ako?!" sigaw pa niya, pero ang mga mata ko ay nakatuon lang sa dagger ko na hawak niya.

"Akin na ang dagger ko."

"Ha!" inis siyang tumalikod at muling humarap sa akin. "Para ano? Ibabalik ko sa 'yo tapos gagamitin mo na naman para patayin ako?!"

"Ibigay mo na lang sa akin."

"Sagutin mo muna 'yung tanong ko!"

"Wala naman akong balak na patayin ka."

"Eh, ano ito?! Ano ngayon itong ginagawa mo?!"

"Ibalik mo na sa akin 'yung dagger ko," nauubusan na ng pasensyang utos ko.

Naihilamos naman niya sa mukha ang sariling palad. "What the hell is wrong with you?" sigaw niya sa akin. "You've almost killed me for the third time! Sa tuwing nagkikita tayo ay palagi mo akong balak patayin!"

"Ah, ganoon ba?" parang walang interes na tanong ko dahil gusto ko nang makuha ang dagger ko.

"Nananadya ka ba?!"

"Haharang-harang ka kasi."

"Anong haharang-harang?! Nasa loob ako ng elevator dahil galing ako sa baba!"

"Hoy! Kayong dalawa!" sigaw ni Yze at sumugod sa aming dalawa. "Anong pinag-aawayan niyo?!"

"Pagsabihan mo nga 'yang kaibigan mong huwag akong patayin!" Naiinis na tinalikuran kaming lahat ni Raye at lumakad sa pakanan na direksyon.

LDWCB2: Gates of DominionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon