╰(◣﹏◢)╯
NAGLALAKAD na ako patungo sa aking silid, maliban sa ingay ng kuliglig na maririnig sa labas ay tanging mga yabag ng aking mga paa ang naririnig kong umaalingawngaw dito sa loob ng aking tahanan. Nahawakan ko na ang doorknob nang hampasin nang malakas na hangin ang nakalugay kong buhok.
"Wrong timing na naman," bulong ko sa hangin at humarap sa main door. Tulad ng inaasahan ay kumalabog pabukas ang pinto at may isang kaluluwang balot na balot sa itim na aura ang nakatayo ro'n.
Suot ang seryosong expression ng mukhang dumako ako sa pinto habang nagpapanggap na walang nakikita at maisara ito, nagtama man ang aming mata ay nagpatuloy ako sa ginagawa nang hindi ako nito hinayaang tuluyang maisara ito at ilang segundo ang lumipas kasama ako ng pinto na tumilapon sa loob ng aking bahay.
"Alam kong nakikita mo ako, huwag ka na magpanggap dahil nagmumukha ka lang t*nga, Ghost servant," malaking boses aniya.
Hindi ko na napigilan ang sarili na mainis kaya pinatunog ko ang leeg saka ngumising tumayo. "Pinakamahirap na kalaban sa mundo... Hindi ang mga masasamang nilalang kung 'di ang sariling temper."
Hindi ko pinansin ang black ghost at pinili na lang na talikuran ito para ipagpatuloy ang naudlot na kaninang pagpasok sa aking silid.
"Ano pa at naging Ghost servant ka kung hindi ka rin magpapagamit sa akin?"
Parang isang martilyo ang mga salita niyang pumukpok sa aking ulo kaya sandali akong napahinto sa paghakbang at maitim siyang tiningnan. "Hindi ko yata nagustuhan ang tono ng pananalita mo.
Bahagya pa itong natawa sa akin. "See? Kahit anong pag-iwas at pagpapanggap na gawin mo—"
"Ghost servant ako, Oo. Pero hindi ibig sabihin no'n na alipin ako at para sabihin ko sa 'yo! KAHIT KAILAN HINDI AKO PAPAYAG NA MAGING ACCESORY MO SA KASAMAAN!" pagkatapos bitiwan ang mga salitang iyon ay kumaripas na ako nang takbo paitaas bago pa niya ako unahan na mahakawan ako sa leeg.
"Saan ka pupunta?" Paglitaw ng kalaban sa aking harapan sa kalagitnaan nang pagtakbo ko bago ko pa man tuluyang mahawakan ang pihitan ng pinto ng aking silid. "Akala mo ba hindi ko malalabanan 'yong mga pangontra mo sa akin?"
Para akong naging istatwa sa pagkabigla at pigil hiningang nakipagtitigan sa kaniya. "Paano? Paano nangyaring nalabanan mo ang lakas ng—"
"Dahil humihina ka na, 'yon lang 'yon," sabat niya sa akin.
Bago pa ako makaatras ay nahawakan na niya ako sa leeg at akmang ibabaon ang isang kamay niya sa dibdib ko nang makita niyang napangisi ako at kunot noo siyang pagmasdan ako. "Nabababaliw ka na ba?"
Umiling ako at tinuro ang kaliwang mata niya. "Bakit sa tingin mo tinanong kita kung paano mo nagawa itong makapasok sa bahay ko gayo'ng malakas ang abilidad na meron ako?" Bahagya akong natawa hanggang sa napahalakhak na habang nakaduro pa rin sa kaliwang mata nito. "Wala akong makitang kahit ano kung 'di pulang pupil mo lang."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...