Enney
╰(◣﹏◢)╯
PABAGSAK kong ipinatong ang halos pumutok sa dami ng laman ang plastic na hawak ko sa lamesa ni Ms. Iyna. "Para po sa inyo."
"Ano 'to?"
"Tingnan niyo po nang malaman niyo," walang ganang sagot ko.
Binigyan niya ako ng kakaibang expression ng mukha at agad din niyang sinilip ang plastic. Nang ibuhos niya ang laman sa lamesa ay kunot noo na niyang ibinaling ang tingin sa akin. "Ano 'tong mga salamin sa mata, ba't napakarami?"
Binugahan ko siya ng hangin at dinuro ang lalaking estudyante na nakaupo sa sofa. "Baka lang po kasi sobrang labo na ng mata niyo, hindi po ba obvious na siya ang nasa tama pero itong babaeng..." Nagtangka pa akong hampasin ang ulo ng babaeng estudyanteng nakaupo rin sa sofa mabuti na lang at napigilan ko ang sarili. "Itong babae na 'to ang kinampihan niyo."
"Are you insulting—"
"Hep! No po, nagmamagandang loob lang po. Sinadya ko pong bumili nang marami para may tumugma sa vision ng mata niyo... sukatin niyo na lang lahat."
Naramdaman ko ang pagsisimula ng pang-uusok ng ilong nito at gigil na inihagis ang tasa niya sa akin na kahit nakailag ako ay nadaplisan ang paa ko sa tumalsik na bubog. "Oh my gosh! Ganiyan ho pala kayo rito, paano ako mag-a-apply niyan kung hindi pa man ako employee rito e papatayin niyo na ako?"
"W-what..." Nasaksihan ko ang paglunok nito ng sariling laway at nakapagtatakang inayos nito bigla ang postura. "I-ikaw ba 'yong aplikante na naka-sched for interview?"
"Yes po, actually I'm also his mother's friend. I'm his ninang." Hinila ko ang lalaking student at inakbayan. "Ipapaalam ko po sana siya ngayon para isama sa office ng Director—"
"No! I-I mean, what for? This girl..." Nilisan niya ang table para lapitan ang babae at inilipat sa kamay nito ang walis at dustpan na kanina ay hawak nitong lalaki. "Should face the punishment for what she did to you, Ms. Enney."
Napa-cover ako ng lips nang marinig ang pangalan ko. "Kilala niyo na po agad ako, nakaka-touch naman."
"Of course! Kayo ang palaging binabanggit ni Ms. Director na dapat hindi namin pakawalan dahil magaling kayong scholar ng school dati at she believes na mahahawaan niyo ng kabutihan, kasipagan at katalinuhan ang mga estudyante rito."
Gamit ang mga daliri ay sinuklayan ko ang buhok ng estudyanteng inakbayan ko. "Hindi po ako sang-ayon sa isang sinabi ninyo dahil hindi lang tungkol sa patalinuhan ang pagpasok sa eskwelahan, do you agree, boy?"
Nahihiya itong tumungo at inilapit ang bibig sa tainga ko. "Sino ka ba, ha? Hindi kita kilala kaya please kung tapos ka na palabasin mo na ako rito."
Mas inilapit ko naman ang mukha sa kaniya. "Gusto mo bang isumbong ko rin kung paano mo ako pinagtangkaang nakawan kanina?" pabalik bulong ko sa kaniya.
"That's not what happened, kinukuha ko lang 'yong lumipad na singsing ko sa bag mo."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...