GA 57 AWAITED TIME

13 1 0
                                    

PARA akong nawawala sa sarili nang sumugod sa kwarto ni Su, napawi ang saya sa mukha ko nang matuklasan kong si Earl lang ang tao at wala si Iajay. Tinangka akong lapitan nito pero agad kong nilisan ang kwarto, tumakbo ako sa kung saan-saang hallway pa-groundfloor at hindi ko pa rin mahagilap ang kaibigan ko.


Bumagal ang lakad ko sa napagtantong hindi pa pala ako sigurado kung maaaring sabihin sa kaluluwa ng katawan ang tungkol dito, huminto ako malapit sa exit bago ako tuluyang makalabas.


Ang nawawalang pag-asa na mga mata ko ay nabuhay sa pagdaan ng isang presensiya sa aking likuran. Awra ng karma, nakilala ko man ito sa pakiramdam nguni't may konting sayad na nagpapaiba sa identity nito kaya hangga't nararamdaman ko pa ay humarap ako ro'n.


Isang karma na walang mukha ang tumambad sa akin.


Hindi ko alam pero kahit wala siyang mukha nararamdaman kong nakangisi ito, pakiramdam na nang-aasar siya, nakaharap din siya sa akin na kalaunan ay humakbang na. Sa kilos niya parang gusto niyang sundan ko siya na siyang ginawa ko naman.


"Huwag." Isang batang babae ang hindi ko inaasahang kakapit sa damit ko para pigilan ako. "Huwag niyo pong sundan."


"Bata?" Inobserbahan ko io mula physical hanggang spiritual para malaman kung normal ba siya at hundred percent na normal lang ito.  "Nakikita mo?"


Mahinhin itong tumango. "Opo, ate. Baka hindi ka na po makabalik kong susundan mo siya."


Nagtaas ang kilay ko sa narinig. "Makabalik?" Hinanap ng mata ko kung nasaan na ang karma. Nagkaroon ng itim na butas sa pader sa dulo ng hallway na pinuntahan niya at bago iyon mawala ay tumawid na rin ako.


Abandoned place, place pa rin naman sa mundo ng mga tao, hindi ko nararamdaman na sa mundo niya ito o ng mga karma kaya wala dapat ako ikabahala.


Nilibot ko ng tingin ang paligid,sa isang sulok agaw pansin ang paa ng isang tao na may takip sa ulo na sako. Walang malay na nakasandal ang likod sa drum, napaisip ako bigla sa sinabi no'ng bata, hindi kaya siya ang tinutukoy niya?


Dali-dali akong tumakbo palapit doon at hindi inaasahan na makikilala ko ito, "Iajay? Paano, kailan at bakit ka nandito?"


Nagkamalay siya sa ingay na nagawa ko, napaubo pa siya at bakas sa mukha ang pasasalamat na may nakatagpo sa kaniya. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan dahil ni pagsalita ay hindi magawa sa pagkaubos ng lakas.


Hanggang sa saktong paglingon ko sa likuran ay tumama ang paa ng karma sa mukha ko na nagpatalipon sa akin sa pader. Ginamit ko ang thumb para tingnan kung dugo ba ang basang naramdaman ko sa labi ko, napabuga na lang ako ng hangin sa pagkabigla, maaga pa para sa ganitong ganap.


Wala pa dapat akong balak sumugod kung hindi ko lang narinig ang hagikhik ng kalaban, nanlisik ang mata ko saka tumayo habang pinupunasan ng dila ang dugo sa labi ko. "Sana kinuha mo ang pagkakataon na tumakas sa pagkawala ng atensyon ko sa inyong karma."


"E-Enney," pagtawag ni Iajay. "Huwag mo siyang bubuhayin, target niya ang mga bata kahit buhay pa."

Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon