NAKATULOG ako habang bumabiyahe papunta sa salon na tinutukoy ni Coach, nakarating at nakababa ako sa sasakyan nang wala pa sa sarili. Habang naglalakad papasok sa salon bigla-bigla na lang may humahalong kakaiba sa pakiramdam ko at sa kalagitnaan ng paghikab ay naiwang nakanganga ang bibig ko sa natuklasan.
Hindi lang hikab ko and naudlot kung 'di maging ang mga paa ko, para makasigurado pa ay umatras ako muli sa entrance at sinilip ang pangalan nito na hindi pa naging sapat para makumbinsi ang sarili kaya nilibot ko ang tingin sa paligid. Agad na nagising ang diwa ko dahil itong salon ay hindi basta-basta salon, ito 'yong laging konektado sa crime scene at sa victims.
The hell is going on.
"Enney?" Pagtawag ni Coach sa likuran ko.
Para bang bigla na lang akong nauhaw. Parang isang robot kung rumesponde ang katawan ko sa kaniya, walang salita na lumabas sa bibig ko akong pumasok na sa loob na mas nauna pa sa kaniya. Ba't sa labas ang bigat sa pakiramdam ng atmosphere pero dito sa loob parang ang comfy.
"Welcome sa salon ko, just choose what service you want. Sagot ko na." Sabi ni Coach habang busy sa paghahanap ng kung ano sa counter.
"S-sa sa 'yo 'to?" nauutal na tugon ko, pinilit kong hindi ipahalata ang gulat pero bigo ako.
Sandali siyang napasulyap sa akin at mahinang natawa. "Actually sa kaibigan ko 'to, pinasalo lang sa akin. No'ng una tinanggihan ko dahil nga sa location but nagulat din ako when I discovered na maraming pumupunta rito."
Hindi ko masyado pinansin ang sinabi niya, hindi mapakali ang mata ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko may kulang pero andito naman ang bag ko, ang sarili ko at... I know what's missing, I mean, sino ang kulang, Rina and Ronn are missing.
Ibubuka ko na ang bibig ko nang agaw pansin ang pagliwanag ng labas kagagawan ng mga nagsindihang ilaw sa poste at bahay-bahay. Uwian na ng mga students kaya maya-maya lang din may mga dadaan na.
"Saan ka?"
"H-ha?" Nagdikitang kilay sagot ko sa kaniya nang ma-realize ang tinutukoy nito, hindi ko namalayang hawak ko na pala ang bag ko at nakatayo pa. "Oras... Ah! Nakalimutan ko, may dinner kami ni Earl, 'yong kaibigan ko na isa sa Shareholder ng school."
Tumango-tango lang siya at hawak na niya ang kanina pang hinahanap, business card na inabot niya sa akin. "Just in case kailangan mo ng help, kontakin mo lang 'yan."
"Hindi ito sa 'yo?" Nagtatakang tanong ko na pinagmamasdan ang card. "Pero sa salon ito, hindi lang name and contact number mo."
"Sa friend ko, madalas kasi akong hindi free at siya ang laging humaharap for me."
Pinasok ko na sa bulsa ang card saka hinawakan siya sa braso. "Thank you and sorry. Promise, not now pero magtatagal ako rito with you."
"No problem, take care."
Agad akong umalis, naglakad lang ako palabas sa bayan na 'to at ilang minuto ang dumaan ay nakasalubong ko sina Rina at Ronn na hindi mapakali sa kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...