GA 37 GHOST SERVANTS

24 1 0
                                    

GS Power blocker's POV



"NASAAN ang iba, bakit ikaw lang ang nandito, GS locator?" Bungad na tanong ko rito pagpasok sa hideout.

"May pangalan ako." Inis nitong sagot.

"Parang tinatawag mo kami sa pangalan namin ah? Even once, wala akong matandaan." Pagtataray ko.

Nakita ko pa ang pag-ikot ng kaniyang mata bago humarap sa akin nang nakaupo. "Well, Blocker— Gs, ang haba eh. Naramdaman daw nila na parang naging active ulit 'yong pinasahan nila, kaya 'yon tumakbo agad paalis."

Sinubukan ko pang buhayin ang bumbilya pero naalala kong binasag iyon nitong kasama ko ngayon. Naghanap ako ng komportableng mahihigaan at nakipagtitigan sa kisame, pinilit kong magpalabas ng kahit anong salita sa bibig ko pero buntong hininga lang ang nagawa ko.

"Lalim ah? Problemado ka pa rin sa sinusundan mo?"

Tumango ako. "Bakit kung kailan natatagpuan ko siya para bang palaging may pumipigil para hindi ko siya tuluyang mabantayan?"

Narinig ko siyang bumuga ng hangin. "Actually, naramdaman ko rin sa wakas 'yong matagal ko nang inaabangan pero sa tuwing nagtatangka akong sundan ang pakiramdam na 'yon, naliligaw ako. Parang may sumasadya, locator ako kaya paano ako maliligaw?"

"May hindi tamang nangyayari. Si GS Manipulator ba naramdaman niya ulit?" curious ko dahil matagal-tagal din nang wala siyang update na sinasabi sa amin.

"Hindi niya sinabi, basta magkaiba sila ng daan." Sandali siyang natigilan at marahas na napatayo. "What?! Magkasama na sila?"

Hinayaan ko lang siyang titigan ang bintana na para bang anytime eh may aatake kung makatingin siya ro'n. Inabangan ko pa ang ilalabas ng bibig niya pero tinikom din niya iyon at bumalik sa pagkakaupo, napailing na lang ako at pumikit.

"Paano kung maka-encounter sila ng ibang klase ng kaluluwa or karma na hindi pa sila totally GS?" Pag-aalala nito, tinutukoy niya iyong mga pinasahan namin ng ability namin.

"Kayo ang dapat mag-worry," wala sa sariling sambit ko. "Nakaraan ko pa naramdaman ang pagtanggap niya nang buo sa identity niya, ang tanging problema ko lamang ay balaan siya at kung maaari ay i-train kaso paano ko nga gagawin kung parang may pumipigil."

Nag-finger snap siya. "What if bumalik na sa itim na evil spirit ang kapangyarihan na binlock mo for how many decades din?"

Umiling agad ako. "Mararamdaman ko 'yon, kung sakaling may katotohanan 'yang sinabi mo hindi mo ako makikitang nakahiga rito."

"Mahina na tayo, paano kung delay mo maramdaman? Paano kung—" tila ay napatigil ito sa pagsasalita. Sa kabilang banda ay tama siya, mahina na kami kaya posible ang sinasabi niya. Kung 'yon man ang nangyayari sa amin ngayon lalo na sa akin ay delikado. "May idea ako."

"Siguraduhin mong maganda 'yan."

"Paano kung ako ang lalapit sa apprentice mo? Tapos ikaw sa akin?" Suhestiyon niya.

Napadilat naman agad ako ng mata. "Na-lo-locate mo ba ang akin?" Walang ganang naitanong ko. Nakita ko ang pag-iling niya. "See? Kung sarili mo ngang apprentice hindi mo ma-locate ang sa amin o akin pa kaya?"

"Nag-aalala kasi ako, may puwede silang makaharap na mas malakas sa kanila. Bakit ba naman kasi nangyayari ito sa atin, plus, pabalik na ang dalawa, mukhang bigo sila." Dismayadong boses aniya.

Kinutuban na ako sa sitwasyon namin, napahawak ako sa dibdib sa hindi malamang dahilan. "Hindi puwedeng mangyari ang iniisip ko."

"Iniisip?"

"Paano kung iisa lang ang apprentice natin? Hindi lang delikado 'yon, napakadelikado." Nagsalubong ang kilay kong turan.

Muli na naman siyang tumayo para lumapit sa akin at nakatayo na nga siya sa gilid ko. "Akin na ang kamay mo."

"Bakit? Anong gagawin mo? Alam mong mas hihina ka lalo na kami kung may gagawin ka na wala na sa 'yo nang buo ang kapangyarihan mo." Pinag-cross ko ang mga kamay nang sa gayo'y hindi niya agad makuha, kilala ko siya, either mamimilit siya o hahablutin agad itong kamay ko.

"Para makasigurado, paano kung gano'n ang nangyari? Mas maganda nang sigurado tayo kaysa magsisi sa huli." Nakalahad lang ang palad nito sa tapat ng mukha ko.

Tinabig ko 'yon gamit ang paa. "Hindi ako sang-ayon sa gusto mong mangyari."

"Pero kami sang-ayon." Sulpot ng dalawa matapos kalabugin ang pinto. Ang Manipulator ang nagsabi no'n. "May naglalaro sa atin, hindi ko na gusto ang nangyayari, kami ng former ang palaging pinagtatagpo."

"Pero paano kung mali tayo at nanghina pa dahil sa gagawin natin, paano niyo na mahahanap ang inyo?" pagpipigil sa inis na mailabas ko. Hindi para sa akin ang pagtutol ko kung 'di para sa kanila.

Alam kong nagbabalak silang pagtulungan ako subalit bago pa nila tuluyang gawin may kung anong malakas na enerhiya ang sumanib sa akin na halos ikalubog ko sa hinihigaan ko. Nanlalaking mga mata at nakabukang bibig akong napabalikwas sa pagkakahiga.

"Anong nangyari?" Pag-aalala ng former stealer.

Hindi ko pinag-aksayahang sagutin ito sa halip ay nakipagtitigan sa locator at iniabot ang isang kamay ko na sinundan naman ng dalawa pa, magkakapatong ang mga kamay namin sa palad ng locator para alamin kung sino ang ituturo ng spirit namin.

"Ready na kayo?" Panimula niya at agad ding nagsimula matapos naming tumango.

Hindi tumagal ang prosesong ginawa niya sa amin at agad na napabitaw sa isa't-isa nang matuklasan ang hindi namin inaasahang katotohanan.

"This can't be, iisang tao ang tinuturo ng ating espiritu. Hindi ito maaari!" Hindi mapakaling wika ng locator.

Kahit ako ay hindi makapaniwala, hindi ko alam ang magiging reaksyon, nagtungo ako sa lamesa para kunin ang kanilang atensiyon. Hindi na ako umupo pa at hinarap na silang lahat.

"Nawala na ang bisa na ginawa ko sa kalaban." Agad kong pag-inform sa kanila.

"You mean, malakas na siya ulit? Sabi mo once na magbalik ang kapangyarihan niya delikado ang mga pinasahan natin ng ability." Tulalang wika ng Manipulator.

Tumango-tango naman ang Stealer. "Na mas double ang danger dahil iisang tao lang ang pinagpasahan natin."

Hinintay ko muna na kumalma sila kahit kaonti lang saka muling nagbahagi ng nakawiwindang na balita. "Hindi lang 'yon, mukhang pinaglalaruan niya ang apprentice natin. Meaning, kilala na niya."

"What?! Ano pang hinihintay natin? p
Puntahan na natin siya bago pa tayo maunahan ng kalaban sa kaniya!"

Nasaksihan ko ang pagnakaw ng Stealer sa kaonting enerhiya ng locator marahil nag-aapoy na ito sa pagkabahala, 'yon ang tanging paraan para kumalma siya.

"Matalino ang bata natin. Isa lang ang sigurado ko, hindi kalaban ang nagpapalayo sa atin sa apprentice, mabuti pa na gawin natin ngayon ay kumalma at humanap ng paraan para makalapit sa kaniya."

Sumang-ayon silang lahat sa'kin at sumabay na sa akin sa paglabas, ngayong kilala na namin siya at may idea ako sa itsura niya, madali na lang sa amin na hanapin siya lalo pa na magkakasama kami ngayon. Wala na dapat pang ikabahala pa kahit may makakita sa amin na kalaban.

"May timer pa rin sa index finger mo." Nakatingin sa kamay ko ang Stealer. "Nguni't naramdaman mong nagbalik na sa kaniya ang kaniyang lakas."

"Mismong sarili nating kapangyarihan ay pinaglalaruan tayo," sabat ng Manipulator. "Ang tanging solusyon diyan upang ito'y kumpirmahin ay makausap ang bagong GS."

Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon