"OKAY ka lang?" Dumating si Su hawak-hawak ang suwero niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakikitang kondisyon nito. "O-Okay ka na ba? Bakit tumayo ka na? Pinayagan ka na ba?"
"Relax, I help her since nangungulit siyang puntahan ka." Mukha ni Earl ang sunod na lumitaw galing sa likod ni Su. "Iniwan kita saglit kasi baka mapatay mo ako kung hindi ko babantayan ang kaibigan mo."
Napangiti ako sa kaniya na may halo pa ring kaba. "Dapat lang, kaya ko ang sarili ko kahit unconscious ako. Anyway, nakikita niyo ba?"
Tinaas ko ang pala-pulsuhan at kulang na lang idikit nila ang mukha rito kakatingin sa pinapakita ko sa kanila. Bumalik na kasi ang bracelet ko, na-curious ako sa sinabi ng Manipulator at mukhang totoo nga.
Paano naman niya natanggal ito?
Nang makaramdam ng ngalay ay ibinaba ko na ang kamay. "Na-meet ko na ang ilan sa mga GA, may mga nakuha ako sa kanila na information tungkol sa ability na meron sila."
Mabilis na lumapit sa akin si Su at nilingon si Earl. "Okay lang ba na nandito siya at naririnig niya?"
Hinawakan ko ang kamay nito para huminahon. "Oo, no'ng time na wala ka sa bahay mo, siya ang tumulong sa akin at napagsasabihan ko ng mga plano at ng tungkol sa akin."
"Then..." Nilapit niya ang bibig sa tainga ko. "Alam na rin niya na hindi talaga siya ang first love mo?"
Naalala ko, para hindi ko maipakita na nasasaktan ako sa kanila ni Iajay noong college, ginamit ko si Earl at sadyang pinagkalat sa school. Ginamit ko ang pagkagusto niya akin para takpan ang totoong feelings ko, mabuti na lang talaga at wala pa siyang paki noon kaya hindi naging kami.
Umiling ako. "Hindi na dapat. Speaking of love, may good news ako sa 'yo."
Nagtatakang mukha siyang tumayo nang maayos at umupo rin sa tabi ko. "Ano 'yon? Parang kinakabahan ako."
"Buhay si Rina, gano'n din si Iajay."
Hindi agad siya nakapagsalita na tila nabingi sa sinabi ko, hanggang sa nagtatanong ang mukha niya kung may katotohanan sa sinabi ko.
"Totoo, pareho silang comatose at sana maintindihan mo na hindi ko muna puwedeng sabihin kung nasaan sila."
Naluha siya sa pagkumpirma ko na agad din niyang pinunasan. "Teka, wala naman sigurong kasamang bad news 'yan?"
"Unfortunately, meron." Walang paligoy-ligoy na sagot ko.
"Then, mahuhuli niyo na ang nagtangka sa kanila?" Sabat ni Earl. "I mean, makukuha na nila ang justice."
Napabuntong hininga bilang unang sagot. "Before that. Walang kasiguraduhan kung pareho silang magigising dahil may posibilidad na isa lang sa kanila o 'di kaya pareho sila ang mawawala."
"Nabanggit mo na nawala na ang kaluluwa ni Rina? Then, siya ang may chance na mabuhay?" Kuryosadong tanong ni Earl.
Umiling ako na nagpagulo lalo sa isipan nila. "Hindi ko kasi alam kung nakabalik si Rina sa body niya, while si Iajay, nakapagtatakang nalalapitan n'ya ang sariling katawan."
"May hindi ka pa sinasabi." Pagbasa ni Su sa mukha ko. "Tungkol pa rin sa kanila?"
"Oo." Pagsang-ayon ko. "Na-lowbatt na siya, nadiskubre ko na may dalawang tao sa scene bago siya namatay. Iba ang nagtangka sa kaniya, akala ko nga same lang sila ng killer dahil magkasama sila bago patayin."
"You mean, dalawa ang killer? Nakita mo ang mukha?" Tanong ni Earl.
Napahiga ako at ginawang pantakip sa mata ang forearm. "Nag-decide ako na siya ang bubuhayin pero tama ba ang decision ko? May pangarap si Rina, wala siyang kamalay-malay na may nakaabang na panganib sa kaniya, na kung nagkataon man, hadlang sa pagtupad niya nito. Habang si Iajay, muntikang mamatay sa pag-perform ng trabaho. Well, we all know na sa una pa lang naman nakasugal na ang buhay niya."
"Hindi kita maintindihan." Saad ni Su.
"Puwede kong buhayin ang isa sa kanila nang hindi hinihintay kung sino ang mamamatay." Paliwanag ko.
"Pero?" Singit ng isa.
"Deserve nilang pareho mabuhay pa." Tinanggal ko ang kamay at nakipagtitigan sa kisame. "Kakapit na lang ba ako sa kasabihang 'kung oras mo na, oras mo na'?"
"Naniniwala ako na kapag nahuli ang kay Rina, mahuhuli rin ang akin." Sabat ng pamilyar na boses, napatingin sa akin ang dalawa dahil sa naging reaksyon ko.
"Iajay... Nandito siya?" Naninigurong tanong ng katabi ko.
Hindi ko ito pinansin, sa halip ay inabangan ang paglapit ni Iajay sa kabilang gilid ko. "Alam ko naman 'yon, gagawin mo ang lahat para sa pagkamit ng hustisya pero paano kung kay Rina lang ang mahuli?"
"Alam mo rin namang hindi ako papayag na hindi managot ang dapat na managot."
Nilingon ko si Su, gusto ko s'yang tanungin gano'n din si Earl. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang kunin ni Su ang kamay ko at ngumiti.
"Kung ano man ang pinag-uusapan niyo, trust him Enney, sa kanilang dalawa, mas may chance si Iajay na makakuha ng justice lalo pa na tutulong ka."
Naagaw ng isang tao ang atensiyon naming lahat sa ginawa nitong dirediretsong pagpasok dito sa loob na huminto sa paahan ko. "Mukhang hindi ko na kailangan maghintay pa ng isang oras."
"Bakit nandito ka, Manipulator? Nakiki—" napatigil ako sa pagsasalita nang makita siyang mahinang natawa.
"Binalikan ko lang itong balabal ko." Aniya saka winagayway pa ang tinutukoy.
Nilapitan ni Earl si Su matapos nito tawagin para sabay na lumabas ng room. Naiwan si Iajay at nagulat pa siya nang nakipagtitigan sa kaniya ang GA.
Pasalit-salit ag tingin ko sa dalawang nasa harapan ko at bago pa tumagal ang pagbalot ng katahimikan sa amin ay tumikhim na ako. "T-then I guess hindi na balabal lang ang dadalhin mo paalis."
Nakangiti siyang tumango. "Ang abilidad mo para sa gagawin ko."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...