ENNEY
╰(◣﹏◢)╯
IKALIMANG araw na wala pa ring conscious ang bata, hindi ako sigurado pero nararamdaman kong may something sa kaniya, madali naman ang itaboy o iwan siya sa kung saan pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko sa pamamagitan niya ay may madidiskubre na naman ako.
After ng gulo sa restaurant hindi ko pa nakakausap si Su marahil dumiretso siya sa Mindanao para sa occasion na pilit siyang isinasama nina tita, pati si Iajay ay isinama kahit alam nilang busy sa buhay ang tao na 'yon.
Palabas na ako ng auditorium nang makasalubong si Earl at hindi na ako nagugulat. "Oh Earl!" Bati ko.
Nilapitan at sinabayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ng school. "Wait me here, sabay na tayo."
Tinanguan ko na siya at uupo na sana sa hagdan na pinaghintuan nang may isang student ang nahimatay na agad kong nilapitan at agad ding nilayuan.
"Buhatin niyo siya! Dalhin natin sa clinic!" Sigaw ng isang babaeng student.
Hindi na dapat ako mangialam pa sa buhay na nilalang, tatlong karma ang bigla na lang lumitaw sa gilid niya at mga itim ito.
Pero kung hindi ako mangingialam gagamitin nila sa kasamaan ang estudyante, hindi ko alam kung bakit tatlo sila ngayon at anong epekto no'n sa tao. Wala sa sariling sinundan ko ang student at ginamit ang professor card para lang papasukin ako sa clinic kasama niya. Sinabi naman ng nurse na nahimatay lang sa pagod ito at pahinga lang ang kailangan and after that nagpaalam iyon para magbanyo.
"Talian niyo ang kaluluwa niya bago pa mahuli ang lahat," pagsasalita ng isang karma. May dinukot na kung anong puting tali sa bulsa ang nautusan at bago pa niya mahawakan ang kaluluwa ay pinigilan ko ang kamay niya.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Dahan-dahan kong iniaangat ang ulo sa kanila at isa-isang tiningnan huli itong nahawakan ko. "Talagang sa bata pa?"
"N-nakikita niya tayo?" hindi makapaniwalang sambit ng babae.
Inirapan ko sila at inikot ang kamay ng hawak ko. "Hindi lang nakikita dahil kaya ko rin kayong balian ng buto— buto? Meron ba kayo no'n? Nevermind, basta saktan."
Nang hilain nito ang kamay sa akin ay muntik kong ikasubsob sa lamp, lakas ng loob nito.
"Siya yata ang tinutukoy nila," malamig na wika ng mukhang leader nila. "Ghost Servant, akala ko tuluyan na silang nagtago."
Nakaramdam ako ng inis nang makita siyang tumawa, ginaya ko ang ginawa niya na may halong pang-aasar. "Oh well, hindi ako 'yong nagtagong tinutukoy mo."
"Whatever. Huwag kang mangialam sa amin." Tinulak ako palayo ng babae sa katawan ng student at nagtangka na naman ang isang lalaki sa binabalak nila. Ginamit ko ang sapatos para ibato sa kamay niya at hinila ang hinihigaan ng student para mailapit sa akin.
Hindi ko alam ang ikinikilos ng sariling kamay ko, nagulat na lang ako sa sarili nang buhatin ko ang kamay nito at ginamit ang thumb para pindutin ng limang segundo ang pala-pulsuhan niya. Anong ginagawa ko.
"Hindi lang siya nangialam, ninakawan niya tayo ng kaluluwa." Dismayadong nakatingin sa kamay ko ang babae. Hindi ko alam ang tinutukoy niya basta nang tanggalin ko ang kamay ko rito sa estudyante ay kunot noo kong tinitigan ang pulang guhit sa pala-pulsuhan niya, 3 centimeters lang ang haba nito.
Ano 'to?
"You, Ghost Servant—" hindi naituloy ng lalaki ang pagtangkang pag-atake sa akin dahil pagkatapos ko siyang maitulak nang puwersahan ay naglaho ito.
"Damn, pinatay niya si Ren!" kinakabahang napaatras ang babae.
Nabigla ako sa paglapit ng masungit na lalaki sa akin at hinawakan ako sa leeg. "Hindi mo alam ang ginagawa mo, makakarating ito sa pinuno."
"Pinuno?" pag-ulit ka sa huling sinabi niya.
Sinubukan ko siyang sipain pero na-block niya gamit ang isang kamay lang at sunod na pinagtangkaang suntukin siya sa mukha pero napigilan pa rin ng isang kamay niya, ni hindi dumikit ang kamao ko sa palad niya... May kung anong pressure akong nararamdaman sa pagitan ng palad niya at ng kamao ko.
"Hindi pa tayo tapos," bulong niya bago siya at ng kasama niya maglaho.
Napakapit ako sa kama ng student nang makaramdam ng panghihina, pinagmamasdan ko lang ang bata nang mapansing may tumulong dugo sa puting sapin ng hinihigaan niya.
"Bakit gano'n na lang ang pagkaubos ng lakas ko? Dahil ba sa ginawa ko sa isang kasamahan nila or sa encounter namin ng mukhang leader nila?" Napaisip pa ako sandali dahil parang wala sa nabanggit ko ang dahilan. "'Di kaya dahil sa ginawa ko sa 'yo?"
Ano ba ang linya na nasa wrist niya? Para saan 'yon at bakit ginawa ng kamay ko 'yon ni hindi ko naisip gawin.
Ang mas importanteng katanungan ngayon ay... Sino-sino ba ang mga Ghost Servant?
Ano ang ganap ng isang Ghost Servant sa mundo? Tulungan lang ba ang mga nangangailangan na ghost o may iba pang trabaho ang kailangang gawin ng isang katulad kong Ghost Servant?
Ghost Servant...
'Yan ang tawag niyo sa akin, huh?
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...