GA 09 THE KILLERS

34 1 0
                                    

ENNEY
╰(◣﹏◢)╯


"KUMUSTA ang kaso ni Mr. Sean?" Tanong ko kaagad kay Iajay nang makababa siya ng sasakyan niya. Hinintay ko talaga siya rito sa labas.


"Ba't nandito ka? Malamig sa labas ah but anyway, thanks sa evidence, lahat ng resibo na nasa wallet niya pati 'yong recording nakatulong hindi lang sa kaniya kung 'di sa 'yo rin. However, delikado pa rin 'yong ginawa mo." Hinubad niya ang suot na jacket at pinasuot sa akin.


"Wala akong pake kung delikado, pagala-gala, malaya at maraming natatagpuang patay dahil sa mga t*ngang police na hindi mahuli-huli ang serial killer." Hindi ko napigilang ang sarili na sumabog.


"Enney, naririnig mo ba ang sinasabi mo?'


"Of course, naiintindihan mo nga ako eh."


Pagkatapos mapawak sa batok ay tumagilid na siya. "Tumigil ka na sa ginawa mo dahil pinapahamak mo lang ang sarili mo."


"Ikaw din, Iajay, tumigil ka na sa pangingialam sa akin. 'Yang bibig at ang mga salita mo ang nagpapahamak sa akin."


"Nagpapahamak? Look, Enney..." Humarap na s'ya sa akin at ipinatong ang kamay sa balikat ko. "Bakit ba kasi obsessed na obsessed ka sa killer na 'yon?!"


"See. Wala kang alam kaya wala kang karapatan na pakialaman ang buhay ko." Ginalaw ko ang balikat para tanggalin ang kamay niya.


"Nag-aalala lang naman ako, may masama ba ro'n?" Humalukipkip siya pagkatapos bumuga ng hangin.


"Nag-aalala? Hindi ko kailangan 'yan. Ang kailangan ko 'yong killer." May pagkariing wika ko.


Hindi agad siya sumagot at medyo malakas na napasapo ito sa noo. "I still like... No mahal pa rin kita Enney kaya ganito ako ka-concern sa 'yo."


"And so?"


"And so? Wala ka bang ibang sasabihin?" Mulat na mulat na mga matang aniya.


Napaatras ang ulo ko at siningkitan siya. "Like what? Sorry Iajay pero thank you pa rin ang sagot ko. Kaya kitang magustuhan pero ang mahalin? Hindi at hindi pupuwede."


Sa bawat salitang binitiwan ko alam kong sumasaksak sa puso niya iyon, kahit ako ay nahihirapan at nasasaktan sa sariling sinabi. Hindi ko siya puwedeng mahalin dahil sa kaibigan ko, kahit hindi niya sabihin alam kong may gusto siya rito sa lalaking ito. 'Di bale nang masaktan ko ang sarili huwag lang ang kaibigang never akong iniwan.


Umalis siya sa harap ko nang wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya.


"Enney, bakit mo ginawa 'yon?! Alam mo ba kung gaano kasakit para sa kaniya ang mga sinabi mo? Kahit straight at hindi ako si Iajay, hindi ko maipapaliwanag kung gaano nawasak ng mga salita mo ang puso ko. Ang manhid mo."

Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon