GA 63 UNMASK THE KILLER

11 0 0
                                    


ILANG minuto, mag-iisang oras na yata akong naghihintay sa kaniya ngunit wala pa rin siya, maski text o tawag wala, nag-aalala ako na baka may nangyari na sa kaniya. Para bang pakiramdam ko sinasadya ng gabi na ito na huwag kaming pagtagpuin, kung ano-ano na lang ang nangyayari na hindi mo talaga aasahan na mangyayari.


Dahil ilang oras na rin naman nagtangka na akong bumalik sa hospital, akmang hahawakan ko pa lang ang hawakan ng sasakyan may kung anong matigas na bagay ang tumama sa leeg ko. Mabilis akong bumagsak sa lupa at hindi pa ro'n natatapos ang ginawa ng kung sinong umatake sa akin, pinahiran niya ng kung ano ang panyong dinukot niya sa bulsa at walang sinayang na segundo na itakip sa ilong ko iyon.


Pumapalag pa ako no'ng una pero sa lakas nito, muntikan ko lang matanggal ang maskara ng kaniyang mukha. Humabol pa ang kaniyang malademonyong hagikhik bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.



__

Naramdaman kong nakalapag sa kung saan puwet ko, pati ang mga kamay at paa tila ay hindi ko maigalaw, nang imulat ko ang mata sa likod ng iniindang sakit ng pangangatawan ay nakangiting bumungad si Lare kasabay ng malutong na sampal nito sa akin.


"Hayop ka," salitang lumabas sa bibig ko. Dinuraan ko siya kaya naman pasabunot niya akong pinahangad sa kaniya. "Killer, you b*tch."


Nagpanggap pa siyang walang alam sa sinasabi ko, natawa siya kalaunan na halatang naasar sa walang emosyong itsura ko. "Akala mo ba hahayaan kitang matuklasan ang lahat at makipag-ugnayan sa police para ipahuli ako?"


"Lahat? Ibig sabihin may kailangan pa ako akong malaman?" Matalim na matang nakipagtitigan ako sa kaniya. "Salamat sa pagpapatulog sa akin dahil ang malabong mukhang nakita ko sa pinasilip na alaala ni Iajay ay natukoy ko na at nasa harap ko siya ngayon. Hindi ko alam kung anong motibo mo sa pagtangka sa buhay ni Iajay pero isa lang masisiguro ko, makukulong ka."


"Really? Well, nalaman mo lang naman kung sino ako pero ang dahilan sa mga ginagawa ko? Makabubuti na rin sigurong hindi mo malaman dahil baka hindi pa ako ang makapatay sa 'yo kung 'di ang katotohanan." Tinulak niyang binitawan ang ulo ko.


"Nagtataka lang talaga ako kung paano mo nalaman ang address ko kung saan mo pinadala ang box." Pagkuha ko sa attention niya bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.


Humarap siya sa akin suot ang nakangisi nitong labi. "Simple lang, madali lang manakot ng kaluluwa."


Hindi ko napigilan ang sarili na puwersa at piliting tanggalin ang tali sa kamay at paa, sa huli ay nahulog ako sa sahig na una pang bumagsak ang ulo ko. "Witch! Sabihin mo nga sa akin, ang 7th victim mo ay si Iajay,right? Sino ang 4th?!"


Sumenyas siya sa direksyon ng pintuan na nagbigay sa akin ng kaba dahil naramdaman kong may lumalapit sa akin na bigla na lang ako nito binuhat pabalik sa sofa, kumunot ang noo ko nang maaninag ang mukha niya, pamilyar siya sa akin.


"Alam mo ikaw..." Paduro-durong lumapit sa akin si Lare. "Hindi ko alam na matalino ka."


"Shut up!"


"You see, naiwan ko ang piece ng papel which is for my 4th victim." Nilabas niya mula sa bulsa ang tinutukoy niya, hinarap niya sa akin iyon pero hindi siya blanko, sinadya niya iharang ang tatlong daliri para takpan ang nakasulat doon. "Kaso may mali."

Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon