GA 11 BULLY

30 2 0
                                    

ENNEY
╰(◣﹏◢)╯


COLORLESS cutics at ligature mark, confirmed. Pinagmasdan ko ang katawan ng bangkay na natagpuan ko sa kabilang barangay. Hahawakan ko pa sana para silipin ang likod nang may pumigil sa kamay ko at hinila ako patayo.


"Anong ginagawa mo rito? Gusto mo ba talagang mapahamak?" pabulong na singhal ni Iajay.


Hindi ako kumibo, hinila ko ang kamay ko sa kaniya at tinago sa bulsa ang maliit na notebook at ballpen. Hindi ako tuluyang nakalayo sa kaniya nang lumitaw sa harap ko ang kaluluwa no'ng bangkay. May dots sa mata niya.


"Tulungan mo ako..." Kasing tangkad at mukhang nasa 30s na ito, female. "Naglalakad lang naman ako pauwi pero ganito ang inabot ko."


"Nakikinig ka ba, Enney?" Napalitan ng katawan ni Iajay ang mukha ng babae, natigilan pa siya nang may kung ano siyang naramdaman matapos tumagos ng ghost sa kaniya. "Paano at bakit ka ba laging nauuna sa crime scene? Hindi tatagal ay paghihinalaan ka na nilang serial killer."


Sumisilip na ang araw, kailangan ko na pumasok sa trabaho. "Mamaya na tayo mag-usap baka ma-late ako."


Hindi na niya ako nagawang pigilan pa dahil may katotohanan ang aking sinabi, nakarating ako sa sakayan ng jeep subali't hindi ko inaasahan na mahaba ang pila kaya nagdesisyon akong maglakad. Pinapanood ko lang ang mga paa hanggang sa sumagi sa isipan ko ang pilit kong kinalilimutang alaala pero sa tuwing pinipilit ko ay ang palaging pagsingit no'n sa isipan ko.


"Hindi ko nagawang kalimutan ang bangungot na 'yon pero ang mukha niya nakalimutan ko?" kinakausap ko ang sarili na para bang nababaliw na. Saktong tumingin na ako nang diretso sa dinaraanan nang mapansin sa peripheral vision ko na may sumasabay sa akin sa paglalakad.


"Mukha nino?" Tanong pa niya.


Nagsalubong ang kilay ko na harapin ito. "Alam mo, 'yang mukha mo pakalat-kalat. Kung saan-saan ko na lang kita nakikita, Earl."


Tinaas niya ang mga kamay na parang sumusuko sa mga police at natawa. "Pffft, hindi ka man lang nagbago kahit konti, Enney. Ang sungit mo pa rin."


Inirapan ko na siya at nagpatuloy na sa paglalakad, malapit na ako sa school nang mapansing sumasabay pa rin siya sa akin. "Wala ka bang magawa ngayon at umagang-umaga eh naninira ka na agad ng araw."


"Kailangan ako sa school," sagot niya.


Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makatungtong ng gate. "Anong school, as in itong ESTICE college school? Or trip mo lang pumasok dito kahit sa ibang school talaga ang punta mo?"


"Nope, isa ako sa shareholder nitong school." Wala naman sa tono boses niya ang pagyayabang pero nataasan ko siya ng kilay.


Nang tumigil ako sa paghakbang ay tumigil din siya, nasampal ko ang sarili sa isipan nang kilalanin ang isang 'to na boss ko. Well, ginawa ko naman ang pagsusungit sa kaniya no'ng nasa labas pa kami ng school kaya hindi naman siguro consider 'yon na binastos ko ang isa sa boss ko?

Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon