Enney pov.
HANGGANG ngayon sobrang bigat pa rin sa pakiramdam ang nangyari sa uncle ni Iajay, sa buong byahe patungo rito sa crime scene na itinuro sa amin ni tito ay wala siyang ibang ginawa kung 'di titigan lang ito na para bang naaawa na ewan hanggang sa tuluyan nang mamaalam sa amin ang uncle niya.
Isang malalim na paghinga ang binitawan ko bago ituro ang lupang kinatatayuan namin. "Ito ang lugar kung saan pinatay ang uncle niya, the body was found there."
Sinundan pa nila ang index finger ko at mulat na mulat na binaling ang mga mata ni Rina sa akin. "There? Tapos dito siya pinatay?"
"Nilipat ang katawan niya on purpose, hindi ang serial killer ang pumatay sa kaniya," dagdag ko pa sa impormasyong sinimulan. "Pero nanood ang serial killer nang mangyari 'yon at siya ang naglipat ng katawan."
Napansin namin ang pagngisi ni Iajay at pag-iling nito. "Obviously, nang-aasar 'yon."
Hindi agad ako sumang-ayon. "No, dahil alam niyang kapag hindi niya ginawa 'yon magmumukha na siya ang pumatay."
"Oh?" Nakangiwing ani Rina, "And ano naman ang pinagkaiba no'n from changing the location of the body? What makes he/she thinks of that?"
I snap my finger. "Message, hindi sa mga police kung 'di sa akin. Nagdududa talaga ako kung bakit mas marami ang victims ng copycat niya."
"What message?" Curious ni Ronn.
Tinulak pa ni Iajay ito para makalapit sa akin. "Then... Malinaw na kung sino ang dapat na habulin ko."
Hinawakan ko agad sa braso ito para pigilan. "No, hindi mo gagawin."
"Ano ba kasing message 'yon."
"Pinipigilan mo ako dahil wala akong laban?" Malamig na tugon ni Iajay sa akin habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya.
"Hello? What message nga 'yon."
Ibinaba ko ang kamay sa pala-pulsuhan niya. "Huling habilin sa akin ni tito na pigilan ka dahil alam niyang gagawin mo 'to."
"Ano nga kasing—aArck." Hindi na naituloy ni Ronn ang paulit-ulit nitong tanong nang supalpalin ko ng kamay.
"Hindi siya basta-basta pumapatay lang..." Binitawan ko na ang kaibigan ko at pinuntahan ang isang malaking bato na malapit sa crime scene. "Tulungan niyo akong buhatin 'to."
Magrereklamo pa lang si Ronn nang makatikim ng hampas sa ulo galing kay Rina. Matapos nilang pagtulungan na mabuhat ito ay nakuha ko ang nakita ko sa panaginip na pinakita ni tito. Isang litrato ng tao at nang baliktarin ko ay may nakasulat na pangalan sa bandang ibaba.
"Lay Aloma?" Saktong pagbanggit ni Rina no'n may kung sino ang humablot nito. "The h*ck?"
"Akin ito! Paano napunta sa inyo ito?!" Pilit na tinatago nito ang litrato sa kaniyang katawan na para bang wala siya sa sarili. "Hindi niya dapat nalaman."
"Niya?" Pag-ulit ko sa narinig.
"Hindi niya dapat nalaman..." Tumalikod na ito at pinagtangkaang pigilan ngunit may biglang alaala ang nagpatigil sa kilos ko.
Tindera ng barbecue...
Siya iyong tindera no'ng gabing nagmamakaawa ako sa tulong. Bakit siya naging ganito? At 'yong larawan, bakit meron siya no'n... Bakit na kay tito iyon, that's the reason kung bakit uminit ang mata ng serial killer kay tito pero dahil sa inakalang nawala na iyon, ipinasa niya si tito sa copycat niya dahil wala na siyang rason para patayin ito.
"Enney!"
Hindi ko na nabantayan ang mga nangyari matapos kong mawala sa sarili, naramdaman ko na lang ang mahigpit na pagyakap ni Iajay sa akin at bumagsak sa sementadong lupa. Saka ko lang napagtanto na hindi ang kaibigan ko ito nang marinig ang mahinang daing nito sa pagtama ng kaniyang siko sa lupa.
"E-Earl? Anong ginagawa mo rito?" Dali-dali akong tumayo at tinulungan siya kahit papano makaupo. "Teka-teka, huwag ka munang gumalaw."
"No, I'm fine. Okay lang talaga ako, please, calm down." Aniya habang hinihimas ang siko.
Hindi mapakali ang mga paa at kamay ko sa nangyari, halos hindi ko na mahawakan nang maayos ang cellphone sa taranta at maling numero pa ang na-dial ko, si Earl lang ang pumutol ng linya.
"Kanina ka pa wala sa katinuan, Enney." Sulpot ni Rina na nakatayo sa likod ni Earl katabi sina Ronn at Iajay.
"Muntikan ka lang naman atakihin no'ng baliw na 'yon." Walang prenong inform ni Ronn.
"Hindi mo alam kung gaano rin kami kinabahan kanina. Wala ni isa sa amin ang makahawak sa 'yo, akala namin mapupuruhan ka." Seryosong mukhang ani Iajay.
Kumunot ang noo ko sa narinig. "Paano mangyayari 'yon, dapat tuwing unconscious lang ako nawawala ang bisa ng permiso niyo... Lalo ka na, Iajay, block lang ang nagagawa ko sa 'yo."
"Pardon?" Nakatungong ulong sabat ni Earl. "Talking with your friends?"
Ngumiti lang ako at tumango. Bagama't nasasanay na akong makakita ng ghost ay ikinagulat ko pa rin ang pagsulpot ng familiar na ghost sa likod ko. Napasinghap ako sa pagdating ng presensiya nila lalo pa no'ng hinarap ko sila.
"Nahanap niyo na naman ako?" Walang ganang sambit ko sa kanila at salitang sinulyapan. Isang 40s at bata na 4 years old. "Mukhang wala akong choice ngayon."
"Saan ka pupunta?" Paghawak ni Earl sa kamay ko.
"Sabi mo okay ka lang, right?" Diretsong tanong ko at nang tumango ito ay hinatak ko siya patayo. "Then... Samahan mo ako."
"Saan?" Nag-aalangang tanong niya.
Sa halip na sumagot ay binigyan ko lang siya ng ngiti at inagaw ang susi sa kamay niya.
Dinaanan muna namin ang sulat sa lumang bahay ng client ko na dati ko nang tinakbuhan. May nakalagay na address sa sobre kaya hindi na ako nahirapang hanapin ang Kanlungan Home, shelter para sa matatandang inabandona ng mga pamilya o kaanak. Mabilis naman kaming nakarating pero hindi ko maintindihan ang sarili, para bang ayaw bumaba at tumpak ng paa ko sa lugar.
"Okay lang ba na iwan kita? Kailangan ako sa school today." Kabababa lang ni Earl sa phone at binubuksan na niya ang pinto para bumaba.
Tiningnan ko ang mga kasama ko sa likod at lahat pala sila nakababa na. Sumunod na rin ako at tinapik si Earl bago ito sumakay sa driving seat.
"Take care, susunduin kita. Message mo ako, okay?"
Mabilis akong umiling. "No, no need, baka may pupuntahan pa ako after nito. Ikaw ang mag-ingat at i-message ako kung kailangan mo ako."
Hindi na siya nagreklamo pa at agad na ring umalis. Hindi na rin ako nagsayang pa ng oras na pumasok sa loob at isang dalagang babae ang sumalubong sa akin.
"Ms. Enney, tama po ba?" Pagkumpirma nito dahil tinawagan siya ng guard at pinatanong ang pangalan sa akin.
"Yes. Hindi rin po ako magtatagal, may nagpapaabot po kasi nitong sulat— mama?" Saktong pagkahawak nito sa sulat nang mamukhaan ko ang isang matandang napadaan sa bandang likuran nitong kausap ko.
"P-po?"
Hindi ko na pinansin ang babae at kumaripas nang takbo para hanapin at habulin ang kamukha ni mama. Hindi talaga ako puwedeng magkamali, si mama 'yong nakita ko. Sa pilit na paglimot ko sa bangungot na nangyari sa akin, pati ang mga mahahalaga sa buhay ko kasamang nabura sa alaala ko.
"Enney, hintayin mo kami!"
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...