"HUWAG kayong mangialam dito!" Singhal ko sa dalawa nang humarang sila sa akin matapos mapuruhan sa ginawang sipa sa akin ng karma.
Nakaramdam ako na muling aatake ang kalaban kaya pareho ko silang itinulak patabi at nasalo nang buo ang tadyak nito. Ako mismo ay nagulat sa pag-ubo ko ng dugo kaya bago pa siya ulit makaisa sa akin ay tinanggal ko ang permission niya subalit bigo ako.
"What?!" Hindi makapaniwalang pinanood ni Rina ang tama ng kamao ng babaeng karma sa ilong ko. "Akala ko sinubukan mong tanggalan siya ng permiso?"
"Ginawa ko!" Paubong sigaw ko.
Sinubukan kong muli ang ginawa kanina nguni't muli akong binigo ng sarili, nahawakan ako sa kwelyo nito at iniangat sa ere. "Sinong mag-aakalang may normal na tao ang makakakita sa isang katulad ko."
Ningisihan ko siya pra itago ang kabang dahan-dahang bumabalot sa akin. "Normal? Sinong nagsabing normal ako. Pagsisisihan mo itong ginawa mo sa akin."
"Oh?" Natawa pa siya na kalaunan ay humalakhak na. "Ni wala kang nagawa sa suntok ko, iyong sa mga susunod ko pa kayang gagawin?"
"A-ano?" Sabay-sabay naming tatlong sambit.
Nalipat ang tingin ko sa isang kamay niyang hinugot ang maliit na patalim sa loob ng kaniyang kasuotan sabay walang emosyong ibaon ito sa hita ko. "How is it?"
"B*tch! A-aArgh! You st*pid karma!" Gustuhin ko mang huwag mapasigaw sa kirot pero inikot pa niya ang ibinaon na patalim at inilipat naman niya sa kanang braso ko.
Para bang wala nang katapusan siyang muling humalakhak at hinugot na ang patalim. "Want more?"
"Stay away from her!" Gamit ang bisig ay sinakal ni Iajay mula sa likuran ang kalaban kaya mabilis akong nahulog sa lupa at inalalayan ni Rina. "Rina, itakas mo siya!"
"No!" Apila ko.
"I said..." Sa isang kurap ko lang nawala sa paningin ko sa Iajay. "Tumakas na kayo!"
Kung ibalibag ng babae ang kaibigan ko sa iba't-ibang direksyon ng lupa ay parang isang maruming basahan lang. Hindi pa ito satisfied sa ginagawa niya kay Iajay, isang kamay lang niya itong hinawakan sa mukha at paikot-ikot na inihagis sa isang dingding na may kalayuan din sa amin.
"Paano..." Nadidismayang pagkausap ko sa sarili, "Paanong may isang karma ang kayang tapatan ang abilidad ko?"
"E-Enney," huling sambit ni Rina bago mawala sa tabi ko. Hinanap ng mata ko kung nasaan na s'ya at natagpuan sa mga kamay ng kalaban. May isang matulis na bagay ang nakatutok sa dibdib nito.
Ang emosyong pinakaayaw kong ipakita sa kahit sino ay muling lumabas, hindi ko mapigilang kumawala ang luha sa mga mata ko. Lalong nadurog ang puso ko nang makita kung paano pilit na iniligtas ni Iajay si Rina kahit na siya mismo ay critical na ang lagay. Bahagya akong napayuko at tinitigan ang mga kamay na nagdurugo na ang mga kuko sa pagdiin ng mga ito sa sementadong lupang kinauupuan ko.
Dahil sa pride ko maraming napapahamak.
May kakayahan naman sana akong tapatan ang kalaban pero ito ako ngayon, naduduwag at hindi makatayo.
Kaya ko ba talaga?
"Ms. Enney, hindi ko na kayang pigilan ang kapatid ko!"
May kakayahan ba talaga akong ipagtanggol ang mga biktima?
Imbes na ako ang nagtatanggol, ako tuloy itong pinagtatanggol.
"Ms. Enney! Pull yourself together!"
Ang sigaw na iyon ang nagpabalik sa akin sa katinuan, sigaw na may halong tono ng pagsusumamo. Hindi lang wasak ang damdamin ko, wasak na wasak dahil ako ang nagbigay ng pag-asa sa kanila pero hindi ko kayang panindigan iyon.
"Either tumakas ka para makaligtas or kasama nilang mamatay, 'yon lang ang dapat na isipin mo ngayon." Natutuwang sabi ng kalaban.
Nagising ang diwa ko sa narinig, itinigil ko na ang pagbaon ng mga kuko sa lupa at sinulyapan ang mga nanginginig kong kamay. "Kapag nagpatuloy ako sa pagtanggi ko sa abilidad ko, tatlo ang maapektuhan at hindi malayong madagdagan pa."
"Bumubulong ka na. Tinatanggap mo na ba ang kapalaran mo?"
"Oo." Mabilis kong sagot at nahihirapang itayo ang sarili. "Isasama kita sa kamatayan ko."
Kaya kong lumaban kahit hindi ako GS na tawag sa akin ng iilang tao na nakakakilala sa akin. Kaya kong tapatan ang karma kahit wala ang buong kapangyarihan ng abilidad na meron ako.
'Yon ang akala ko.
"Same answer pa rin kaya?" Hindi ko inaasahang ibabaon ng kalaban ang patalim sa dibdib ni Rina na agad din niyang binitawan para i-magnet sa isang kamay niya ang kaluluwa ni Iajay at simulang higupin ang energy nito.
Pakiramdam ko'y tumigil panandalian ang paghinga ko sa nasasaksihangbpaglalaro ng karma sa mga kaibigan ko, no'ng mga oras na maramdaman ko na ulit ang hininga ko ay hindi ko na napigilan pang sumabog at buong lakas na pinakawalan ang nakakulong na usok sa kaloob-looban ko.
"AAAAARGH! SOBRA-KA-NA!"
Lahat ng nasa paligid ko ay puwersahang naitulak ng malakas na hangin na nagmula sa kinatatayuan ko, na kahit ako na mismong may kagagawan ay naitulak nito.
"SINONG NAGBIGAY SA 'YO NG KARAPATAN GAWIN 'YAN! YOU ASSH*LE-SH*TY-W*NKER EVIL KARMA!"
Nang mawala ang malakas na hanging kagagawan ko ay dahan-dahan tinatanggal ng kalaban ang kamay nitong pinangtakip niya sa mukha sa gayo'y ako'y kanyang makita.
Hindi ko inasahan na makikita ko ang panginginig niya sa takot at naiwang naka-buka pa ang bibig pagkatapos makipag-mata sa mata sa akin. "G-Ghost Servant? I-isa kang Ghost Servant?!"
"Ghost Servant?" Magkasalubong na kilay hindi ko pagsang-ayon sa narinig. "H*ll no! The New and Reborn Ghost Attendant!"
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...