RAMDAM ko ang pag-init ng mga mata ko matapos masaksihan ang tuluyang paglaho ng itim na taling nakakonek sa amin ni Iajay, mula sa mata ni Earl ay nakita ko ang reflectin ng pagkislap ng mata ko. Halo-halong emotion ang bumalot sa akin subalit mas nangibabaw ang unti-unting pag-uumapaw ng lakas ko sa aking katawan, hindi ko na rin namalayan ang pagtalsik ni Earl sa nagliyab kong awra, nagulat na lang ako sa pagbagsak ko sa lupa. Nakawala na rin ako sa wakas sa mga kamay niya at agad akong hinatak ng puting karma para kumustahin.
"Masaklap man ang inyong naging kapalaran, kailangan mong ituon ang pokus sa kalaban."
Hindi ako makapaniwalang natawa sa mga nangyayari. "Paano mo nasasabi 'yan? I lost my beloved friend, ni hindi ko siya nakausap nang maayos bago mamaalam, and you expect me na maging focus sa—" She cut me off.
Inalog niya ako para pabalikin sa wisyo. "Whether you like it or not, wala kang choice dahil hindi lang ikaw ang papatayin niyang kalaban, manganganib ang buhay ng mga tao sa kaniya."
Nawalan ako ng pag-asang bumuga ng hangin. "I cannot."
"Look, ramdam kong bumalik ang lakas mo right after mawala no'ng black tie pero panandalian lang 'yon. Alam mo kung bakit? Dahil may pumipigil sa lakas mo na lumabas at ikaw lang makaka-determine no'n. Parang barado sa tubo sa madaling salita, kung hindi mo tatanggalin 'yon, kahit gaano ka pa ka-determinadong tapusin ang kasamaan ng kalaban, hindi mo magagawa sapagka't obvious ang deperensiya ng lakas niyo." Binitawan na niya ako at inilahad ang kamay sa akin.
Nagtaas ang isang kilay ko sa ginawa niya. "Para saan 'yan?"
"Pareho man kaming karma, hindi naman kami magka-level sa lakas. I wanna help, kahit sa ganito man lang na paraan."
Malakas kong inabig ang kamay niya saka itinulak pagilid marahil tahimik na umatake ang kalaban, hindi ko napag-isipan ang defense kaya kamay ko muli ang pinangsalo sa smoke arrow niya. Kung hindi pa ako nasaktan hindi pa ako matatauhan, nasa realidad ako at kung gusto kong makawala sa dejavu na nightmare na 'to, kailangan kong humarap.
Mukhang hindi pa nakakatayo at recover sa pinsalang ginawa ko si Earl kaya dali-dali akong tumakbo ro'n para siya'y muling ikulong sa bisig ko. Ilang minuto rin ang tinagal ng set-up namin, ramdam ko ang panghihina ng kapangyarihan niya nguni't sumabay din ang akin, tama ang karma, panandalian lang ang lakas ko. Kung hindi ko ito ma-ha-handle, katapusan ko na.
"I really love you, Enney but I have to do this!" Walang paligoy-ligoy na ibinaon ni Earl ang kamay sa dibdib ko at ramdam ko ang pagtagos ng kamay nito sa likod ko. "Kapangyarihan ko lang ang nanghina sa akin pero sa 'yo? Enerhiya at mismong kapangyarihan mo. What a dissappointment, anong nangyayari sa 'yo, binibigo mo naman ako."
Sa halip na masindak at mataranta ay naisipan kong ismiran na lang ito na ikinapawi ng tuwa niya.
"Nagtataka ka? Kung kapangyarihan mo lang ang nanghihina eh bakit parang mas malala ka pa sa akin?" Nalipat ang tingin ko sa ilong niyang agad hinawakan ng isang kamay niya, sinilip niya iyon at nakitang may bahid ng dugo ang mga daliri matapos itong hawakan. "At isa pa, masiyado kang kampante."
Smulpot ang bagong mukha banda sa kanyang likuran, bago pa nito ambahan ng saksak si Earl ay nakapagpalabas ito ng matulis na bagay mula sa kaniayng libreng kamay at tinarak sa kamay ng pakiramdam ko'y kapwa GA ko na siyang dumating. Dahil sa nangyari hinugot ng kalaban ang kamay sa akin at mas piniling dumistansiya. Mabilis na lumapit ang kararating lang na lalaki at inalalayan akong hindi tuluyang bumagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...