GA 48 HEAVY PRESENCE

19 0 0
                                    

"SAAN ka galing?" Bungad na tanong sa akin ni Iajay pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.


"Sa labas?" Pamimilosopo ko sabay  diretso sa loob. Hinahanap pa ng mata ko si Suchay pero wala siya. "Nasaan siya?"


"Alam mo ba kung anong oras na?" Hindi nito pagpansin sa tanong ko.


"Kailan ka pa rito? Akala ko binabantayan mo ang kaibigan natin."


"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Sumunod siya sa akin sa kusina at napabuntong hininga nang alukin ko ng tubig. "Kahit may ability ka, sa Ghost ka lang may laban. Enney, ilang beses ba kitang pagsasabihan?"


Nilapag ko sa lababo ang basong hawak dahil sa malapit na akong mainis. "Ilang beses ko rin ba sasabihin na hindi ko kailangan 'yang mga sermon mo."


"Kaibigan mo ako, Enney, kahit umay na umay ka na, hindi tama na hayaan kitang—"


"Iyon na nga eh, ano, ang sunod mong sasabihin na nandiyan ka lang, na dapat magpasama ako sa 'yo? Iajay, tuwing kailangan kita nasaan ka? Hindi kita mahagilap dahil nasa tabi ka ni Suchay."


Hindi na siya umimik, pinakiramdaman ko  lang siya saka ako umupo sa sofa.


"Sorry, Enney. Masiyado yata akong— may kasama ka?" Napalingon siya sa pinto na sinundan ko rin ng tingin. "May papalapit na presensiya."


"Si Earl." Tipid na sagot ko.


"Earl? Ano naman ang gagawin niya rito?" Naiiritang tanong niya.


Binaling ko sa kaniya ang mata. "Wala ka namang issue sa kaniya 'no? Ba't parang ayaw mo siyang makita?"


Halos mabali ang leeg nito sa paglingon sa akin. "Ah... Eh... Hindi ka dapat nagtitiwala sa kahit kanino."


Hindi na ako nakasagot pa nang pumasok na si Earl. "Hi."


Nilabas ko agad ang cellphone at nilagay sa customer records ng salon na kinuhanan ko ng litrato kanina saka inabot sa kaniya. "Natandaan mo ba 'yong mga kinuwento ko sa 'yo? About sa investigation ko?"


"Yeah, but you didn't mention kung for what." Aniya habang tinitingnan ang litrato. "Ano 'tong names na 'to?"


"You're the 3rd person na makakaalam sa purpose ng investigation ko, it's all about my step father."


Nagtungo sa harap ko si Rina at kumaway. "Hello? Hindi ba ako tao? I'm the 3rd."


Tinabig ko ang mukha niya at hinila paupo sa tabi ko. "Ibang case 'yong sa 'yo."


Hindi na nagulat pa si Earl sa act ko dahil aware na siya, sa halip ay binalik niya ang phone sa akin. "Step Fath. who attempted you na i-rape? You're doing this for him? Trying to help after what he did to you?"

Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon