GA 64 THE 8TH

14 2 0
                                    

"LET her be, for now." Ani Iajay habang kinakalagan ang paa ko. "Okay ka lang ba? 'Yong kuko mo."


Inilingan ko siya nang hindi inaalis ang mata sa direksyon na tinahak ni Lare patakas. "Okay lang ako, 'yang employee." Tinuro ko ang kamamatay lang na lalaki. "Ewan ko kung sinadya o sadyang t*nga siya, napagpalit ang walang poison sa meron."


"Bakit naman kasi nagpunta ka rito?"


Napakurap ako ng mata. "Magsisimula ka na naman? Eh ikaw, hindi ka pa okay bakit nandito ka?!"


"Ililipat mo na naman sa akin?" Sunod niya akong Inalalayan tumayo. Tinabig ko ang kamay niya saka naunang lumabas dito. "Enney!"


"Pagod ako, mamaya na." Malamig na sagot ko.


"Pagod ba talaga? May hindi ka sinasabi."


Napatigil ako sa paglalakad at ngayon pareho kaming nasa tapat ng salon magkaharap. "Si Earl, kailangan kong makausap."


"Para saan? Kung ano man ang kailangan mong sabihin sa kaniya, ako na." Walang prenong aniya.


Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Kailan ka pa natuto manghimasok sa buhay ko? Umamin ka nga, Iajay."


"Nagseselos ako."


Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at napalunok na lang ng sariling laway saka itinapat sa mukha niya ang kamay para pigilang makapagsalita ulit. "Please."


"But Enney."


"Iajay," may diin sa boses na pagsambit ko sa pangalan niya. "Not now, magulo ang isipan ko."


Nauna na akong lumayo sa salon sakto rin ang pagdating ng iba pang mga sasakyan ng mga police, akala ka mawawalan ako ng choice na sumakay sa kotse ni Iajay, mabuti na lang at dinala ni Lare 'yong hiniram ko kay Su na sasakyan at ito ang ginamit pauwi.


Sinalubong ako ng yakap ng kaibigan ko pagkarating na pagkarating ko sa bahay, umaasa rin ako na nakauwi na rin si Earl pero wala ang sasakyan niya. Baka nasa school pa.


"Ako lang ba or nararamdaman ko na hind ka mapakali?" Pag-abot ni Su ng basong may laman na tubig. "Maliban sa ang layo ng tingin mo, hindi mo maalis ang mata sa bintana."


"Si Earl, nasa panganib. Mag-ready ka sa sasabihin ko. Su, maliban kasi sa ibang biktima, lahat konektado sa salon na pati si Lare ay konektado rin. May something sa kaniya na kailangan ko pang malaman, isa sa biktima niya si Rina habang si Iajay..."


"Enney? Bakit?" Nag-aalalang lumapit sa akin ang kaibigan ko matapos matigilan sa pagsasalita at mapahawak sa ulo.


"Parang may humahabol na alaala pero malabo, may blurred na mukha na sumisingit sa isipan ko, 'di kaya copycat ni Lare?" Nakailang pukpok din ako sa ulo sa pilit na pag-alala.

Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon