ENNEY
╰(◣﹏◢)╯
"BAKIT tayo nandito?" tanong sa akin ng matanda. Pareho kaming nasa loob ng sasakyan na itinakas ko at kasalukuyang nakaparada sa tapat ng school.
Halos nakalimutan ko na ring may suot akong posas kaya naman nang ma-realize ay sinuksok ko ang mga daliri sa passenger seat at nakapa ang malamig na bakal na siyang susi nitong posas. "Puwede niyo po bang tanggalin?"
Kunot noo at napaduro sa sarili ang matanda. "Ghost ako, inaasahan mong mahahawakan ko 'yan?"
Kumibitbalikat ako at kusang idinikit sa kamay niya ang posas. "Kita niyo po?"
"Hindi tumagos?" Napapaisip pa siyang kunin sa kamay ko ang susi. "Hindi lang pala talaga nagkataon 'yong paghawak mo sa akin kanina." Nang matapos siya ay inagaw ko sa kaniya ang susi at ibinalik sa pinagkuhanan ko.
Walang kamalay-malay si Iajay na ninakawan ko siya ng isang susi, malas din niya dahil naging kaibigan niya ako. Ang dating tinuturuan lang niya mag-drive ay tinakasan siya ng sasakyan ngayon.
"Gustuhin ko mang alamin kung paano nangyaring may usok ang isang nilalang na may buhay pa kaso wala na akong oras." Nakatulala sa school building na pagkausap sa sarili. "What if unahin ko muna ang paglapag ng evidence sa office ni Jay bago ko hanapan ng kasagutan ang katanungan na 'yon?"
Nang paandarin ko ang sasakyan at magsisimula na sanang tapakan ang accelerator ay napansin kong may sinisilip si tatay sa bintana na ikinasilip ko rin.
"Hindi ako nagkakamali..." Kinusot-kusot pa nito ang mata at muling sinusundan ng tingin ang babaeng akin ding tinitingnan. "Siya nga ang daughter in law ko."
"Po? Si Mrs. Iyna?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Siya ang may kabit at hindi lang pala talaga kutob na masama siyang tao kung 'di ay tunay siyang masama."
Napaharap sa akin ang matanda at nagtatanong na mukhang tumingin sa akin. "Siya rin ba ang tinutukoy mo kanina?"
Hindi ako tumango at bagsak balikat na umayos ng upo. "Look. Ang kaliwang mata niyo ay may usok at 12 dots na naka-base sa constellation zodiac sign ko which is sagittarius and hindi ko maintindihan kung bakit 'yang si Mrs. Iyna ay may usok ang mata kung saan ay..."
"Buhay pa siya?" Sabay naming wika ng matanda.
"Hindi na ako magtataka kung bakit wala ka pang alam sa mga ganitong bagay pero paano nangyaring nakikipag-communicate ka sa mga ghost nang hindi tumitingin sa mga mata nila?"
"Kahit po ako sa sarili ko ay hindi ko alam," mabilis kong tugon. "Ni hindi ko rin alam papaanong buhay pa ako gayo'ng halos bilang lang sa daliri ang tulog ko sa isang taon."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...