"OKAY lang ako, h-hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang naging reaction ko sa drawing ni mama." Tumayo ako mag-isa at hindi sila hinayaan na tulungan ako.
Pinagmasdan ko maigi ang drawing, sa unang tingin hindi mo talaga ma-re-recognize na tao ito pero 'pag tinitigan nang matagal ma-de-describe mo na siya. Nadaanan ng mga mata ko ang mga salitang nagpalakas sa kabog ng dibdib ko kanina, sa likod ng mga ito may mga maliliit pa na letra ang nakasulat.
"7th Sineran street."
Nagkatinginan kami ni Iajay matapos sabay na bigkasin ang mukhang pangalan ng isang lugar. Kunot noo kong inalis ang mata sa kaniya para balikan na basahin itong muli. Hindi lang siya weird dahil napaka-weird, dito ako sa lugar na 'to dinadala ng mga ghost na victims ng serial killer at hindi lang 'yon...
"Bakit? Parang may bumabagabag na naman sa 'yo?" Nag-aalalang nilapitan ako ni Rina at pinapanood ako sa paghila ko sa table at pagsulat ko ng pangalan ng mga kumonekta sa akin at kasama siya. "Why pati name ko?"
Huli kong isinulat ang street at lahat ay pinag-connect ko. "Lahat kayo na isinulat ko, dito sa lugar na ito ako dinadala. Ang iba sa inyo confirm na rito pinatay while kayong dalawa... Hindi ko alam kung bakit ito 'yong lugar na pinakita niyo sa akin."
"Hindi lang 'yon." Inagaw ni Iajay ang hawak kong chalk at isinulat din ang pangalan ko sa pinakababa saka binilugan at kinonek ang linya sa lugar. "Natatandaan mo ba... Dito rin nangyari ang bangungot mo."
Hindi ko agad naibuka ang bibig sa sinabi niya. Tama siya, hindi lang pala pangyayari ang naikuwento ko sa kaniya kung 'di pati ang lugar na halos nakalimutan ko na rin. Pinilig ko na ang ulo bago tuluyang mahulog sa daydream. "May direction na ang imbestigasyon ko, sa palagay ko may kinalaman ang salon dito."
"Tama..." Sunod namang umagaw ng chalk si Rina at ginuhit ang salon sa tabing pangalan ng street. "Dito rin nakatayo ang salon kaya malaki ang posibilidad na may kinalaman talaga ito sa mga victims."
"Either diyan ang taguan ng serial killer or accessory niya ito sa pagpatay," sabat ni Ronn. "Puwede ring both, malay natin?"
Kumamot na ako sa ulo saka mabilis na niligpit itong ginamit ko, ilang minuto ang lumipas ay nakatanggap ako ng tawag na agad kong sinagot.
"Yes, hello?"
"Good day po, si Ms. Enney po ba ito?" Tanong ng boses lalaki sa kabilang linya.
Sinilip ko muna ang screen ng phone at unknown number ang nakalagay. "Ako nga."
"Police station po ito, mabuti na lang po tanda ng mother ninyo ang number ninyo. Kayo po ang anak niya, tama po?" Hindi ko na narinig pa ang sunod na sinasabi ng police nang mapaisip ako sa sinabi nito na tanda ni mama ang number ko dahil kaduda-duda.
Paano magkakaroon ng number ko si mama gayo'ng bago ito at base sa sinabi ng taga-bantay dito na hindi makausap si mama. Tatlong tao lang ang pinagbigyan ko ng numero ko at higit sa lahat, taon-taon ako nagbabago ng number.
"Hello po? Nandiyan pa po ba kayo?" Sambit ng police na nagpabalik sa akin sa sarili.
"A-ah, o-opo... Thank you po sa pagtawag, pa-send na lang po ng address at susunduin ko ang nanay ko." Pinutol ko na ang linya nang hindi na hinintay pa ang sagot nila. Kanina pa nagtataasan ang balahibo ko sa buong katawan, sobrang weird na talaga ng mga nangyayari.
"Woy!" Pinadaan ni Rina ang kamay sa tapat ng mukha ko na ikinainis ko dahil sa gulat.
Siningkitan ko siya ng mata at nauna nang lumabas ng kwarto. "Sasakay tayo ng MRT, sasama ba kayo?"
"Oo naman!" Paghabol ni Rina sa lakad ko. "Bagalan mo nga lakad mo, nahihirapan kaming tapatan ka."
"Hindi ko na problema 'yon. Isa pa, mahalaga ang bawat minuto sa akin." Walang ganang tugon ko.
Nilagpasan ako ni Ronn para harangan at patigilin ako sa paglalakad. "Sa ganiyang itsura pupunta ka?"
"Anong problema sa itsura ko?" Mata sa mata kong wika.
Sakto ang pagtigil ni Iajay sa gilid namin at hinawakan ako sa braso. "Kailangan mong kumalma, hindi ka puwedeng humarap kay tita nang ganiyan."
Marahas kong hinila ang braso sa kaniya at malagkit na matang tiningnan siya. "Kalmado ako, kayo itong hindi."
"Kinakabahan ka, nararamdaman namin 'yon." Diretsong ani Iajay.
Inirapan ko siya sa inis. "Bakit naman ako kakabahan? At isa pa, mas magaling pa kayo sa akin eh totoong kalmado at hindi ko nararamdaman 'yang sinasabi niyong kaba."
Sumingit na si Rina sa pagitan namin at nilayo ako sa kanila. "Kayong dalawa ha, tigilan niyo na nga si Enney."
"Rina, alam mo ang sinasabi namin." Seryoso at mukhang hindi nga nagbibiro si Iajay sa sinasabi.
Hindi ko sila maintindihan, paano nila nararamdaman ang hindi ko naman talaga nararamdaman.
"Ghost ka rin, kunektado tayo sa kaniya kaya dapat alam mo rin ang sinasabi namin." Wika ni Ronn.
Nakita ko ang paggalaw ng ulo ni Rina, gusto niyang lumingon sa akin pero hindi na niya tinuloy. "Baka tayo lang 'yon, kinakabahan tayo para sa kaniya."
"Nagsasabi ako ng totoo, kalmado ako at wala akong nararamdamang kaba." Pagtapos ko sa kanina pa nilang pinagtatalunan. Dinaanan ko na sila bago pa nila ulit ako pigilan. Hindi na ako nagpaalam pa sa mga taga-bantay dito lalo pa nang makatanggap ng text mula sa police station, nag-send na sila ng address.
Nakasunod lang ang tatlo sa akin hanggang sa pagsakay ng MRT, wala na ni isa sa kanila ang umimik. Habang papalapit kami sa destinasyon namin unti-unti nang lumabas ang kaba sa akin, siguro this time aminado na akong kinakabahan na ako.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng tren mabilis akong bumaba at pagliko ko paakyat sana ng hagdan ay nakabangga ako ng isang matandang babae.
"S-sorry po."
"Sabi nang kumalma," rinig kong bulong ni Ronn 'di kalayuan sa akin.
Lilingunin ko pa dapat ito pero mas inuna kong tulungan ang matanda sa pagdampot ng mga nahulog niyang gamit.
Hindi mawala-wala sa isipan ko ang tungkol sa number ko na binigay ni mama sa kanila, iniisip ko iyon habang dinadampot ang mga gamit. Nabura na lamang sa isipan ko iyon matapos na mapansing may binubulong ang matanda.
"May sinasabi po kayo?" Tinigil ko muna ang pagkilos at pati siya ay tumigil na rin muna saka nakipagtitigan sa akin. "B-bakit po?" Napalunok na ako ng sariling laway sa konting takot.
"Mag-iingat ka hija, nasa 'yo na ang mata ng kalaban."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...