"IKAW ang bagong GA ngayon 'di ba?" tanong ng white karma sa akin. "Para saan ang pagtakas mo gayo'ng batid ko na alam mong imposibleng makalabas ka rito maliban na lang kung matatalo mo ang may gawa ng barrier?"
Nagtaas ang mga tainga ko sa narinig pati na rin ang isang kilay, "Wala kang alam kaya kung wala ka nang sasabihin pa, mawala ka na sa paningin ko."
"Iyon ay kung makakaalis siya." Sumulpot ang boses ni Earl sa likod ko na sinalubong ko ng sipa ang kamay nitong hahawak sana sa akin, tumakbo at mabilis akong tumabi sa puting karma. "Huwag mong sabihing kinakabahan ka?"
"Maiba nga, alam mo ba kung nasaan ang pinuno niyo?" Direktang tanong ko sa katabi ko na inihanda na rin ang sarili sa laban.
Nagtatakang mukha niya akong nilingon. "Hindi kayo nagkaharap?"
"Nagkaharap?"
Napanganga siya sa kawalan nang may ma-realize. "Yeah, nakalimutan kong may pagkasira din sa ulo ang pinuno namin. Malamang nagwangis kalaban ang isang iyon kaya malamang din ay kinalaban mo sa halip na kausapin."
Hindi ko siya naintindihan kaya tinuon ko na lang ang atensiyon sa kalaban, bago pa ako maunahan ay ako na ang unang sumugod, pinabilis ko ang takbo para surpresahin ng suntok si Earl na ginawang panggala ang kamay dahilan upang siya ay tumalipon. Hindi ako nag-aksaya ng segundong dinagan siya, gamit ang sariling enerhiyang pinalabas ko sa kamay at ginawang espada, dalawang kamay ko itong inangat sa ere at buong lakas na ibaon sa kaniya ngunit sa hindi inaasahan ako ang tumalipon matapos nitong gawing shield ang awra na napakalakas.
Dail sa tinamo at pagkabigla hindi agad ako nakatayo, gumawa siya ng napakaraming umuusok na bola gamit ang awra niya na nakalutang pa sa ere saka niya sunod na pinalipad sa direksiyon ko. Inilagan ko lahat ng iyon, kahit gasgagas na ang ilang parte ng katawan ko makailag lang ay hindi ako tumigil sa kakaikot, gulong at gawing pananggala ang sariling kamay. Ikinagulat ko ang pagharang ng puting karma sa hindi ko natabig na bolang kapangyarian ni Earl, pinoprotektahan niya ako.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Masiyado siyang malakas para sa akin, kung tutunganga ka lang diyan, pareho tayong mapapatay nito." Bulyaw ang naging sagot niya sa akin. Kita ko kung paano siya nahirapan sa mga bolang kapangyarihan ni Earl.
Naging sapat sa akin ang pagharang niya ro'n para makag-isip at mahiwaswasan. Nang makita ang pagbago ni Earl sa hugis ng kaniyang atake from bola to smoke arrow ay hindi ko sinasadyang maitulak pagilid ang karma para palitan, naglabas ako ng energy sa kamay at ginawang dagger pantabig sa mga arrow. Sa kalagayan ko ngayon, mauuna pa akong manghina kaysa sa kalaban kung hindi ako makakahanap ng ibang paraan para matalo siya.
Maaaring mas malakas siya kung ikukumpara ang lakas namin pero may isang bagay siya mahina at sa pabilisan iyon. Ginamit ko na ang natitirang lakas ko para ma-maximize ang pagbilis ko sa takbo, sinuwerte ako dahil hindi niya namalayan ang pagsulpot ko sa gilid niya. Nadaplisan siya ng hawak kong smoke dagger saka siya sunod na tinuhod sa tagiliran at siniko sa leeg. Bago pa niya ako magantihan ay kinulong ko siya sa bisig, dahil sa nanghihina na ang katawan ko nagawa niyang tanggalin ang kamay ko sa kaniya na parang wala lang at inikot ang sarili para ako ngayon ang mahawakan niya. Isang mahabang puting tali ang inilabas niya sa kamay at ipinaikot sa akin.
Nagpupumiglas ako at sa tuwing ginagawa ko iyon ang lalong panghihina ko, gamit lang ang isang kamay pinalutang niya ako sa ere habang nakabalot sa buong katawan ko ang rope na gawa sa usok nitong kapangyarihan. Hindi ko na naisipan pang indahin ang sakit matapos agaw pansin ang halos hindi na makitang tali na nagkokonek sa amin ni Iajay, gusto nang kumawala ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan, hindi maaaring mamaalam ang kaibigan ko na hindi kami nakapag-usap nang maayos at wala ako sa tabi niya!
"Yes? Any message bago ka sumunod sa mga naging biktima ko?' Malagkit na tingin at nakangising saad ni Earl.
Mapang-asar ko siyang tinawanan saka matalim na mata akong nakipagtitigan sa kaniya. "Huwag ka masiyado maging confident, hindi ko pa nalalabas ang tunay at buong lakas ko, Earl."
____
Su's POV.
"Doc. Ano pong nangyayari sa kaibigan ko?" Natatarantang tanong ko sa kalalabas lang na doctor mula sa room ni Iajay.
"Ms. Su, right? Kasama niyo po ba si Ms. Enney? Gusto ho kayong makausap ng pasyente."
Nilingon ko pa saglit ang paligid, nagbabakasakaling dumating si Enney. Kung tutuusin kanina pa kami nagkahiwalay at inasahan ko na nauna siya sa akin dito sa room ni Iajay pero nakapagtatakang hindi ko siya mahagilap kahit saang sulok ng hospital na 'to. Walang ano mang salita ang lumabas sa bibig ko na pumasok ako sa loob, nadatnan ko si Iajay na nahihirapan nang humingahabang ako ay hindi napigilan ang sarili na maluha sa nakikita, ramdam ko ang pag-asa niyang makikita si Enney na lalong nagpasakit sa damdamin ko, kung alam ko lang kung nasaan ang isang iyon, kahit nasa malayo pa, ako na mismo ang susundo at magdadala sa kaniya rito.
"Si E-Enney?"
"Hindi ko alam," mabilis kong tugon, lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. "Iajay, huwag kang mag-alala, magiging okay ka rin."
Umiling siya at siya na ito ngayong nakahawak sa kamay ko, walang lakas. "H-hindi ko alam... K-kung kaya ko pa siyang mahintay... Su, t-thank you." Naubo na siya at sobra nang nahihirapan magsalita. "Thank you kasi naging mabuti kang kaibigan sa amin, sa akin..."
"Shhh, Iajay, gagaling ka pa. Huwag ka na magsalita ng kung ano-ano ha? Teka, tawagin ko lang iyong doctor mo." Hinatak ko na ang sariling kamay subalit ayaw ako nitong bitiwan. "Iajay?"
"Listen, p-pagod na ang katawan ko, Su." Halos pabulong na nitong wika, inilapit ko ang tainga sa kaniya para siya'y marinig nang malinaw. "P-pasabi kay Enney, mahal... na mahal na mahal ko siya, mamahalin ko siya kahit nasa kabilang buhay na ako, patawad kasi hanggang dito na lang ang kaya ko."
"Iajay! Ano ba, lumaban ka. Ikaw ang m
agsabi sa kaniya— Iajay? Iajay? Iajay!" Nang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay ko ang siyang animoy nagpatigil sa paghinga ko, ang tunog ng diretsong linya sa monitor ng ventilator machine ang lalong nagpanginig sa mga tuhod ko, na kahit paglunok sa sariling laway wari'y hindi ko magawa.
Sunod-sunod na pumasok ang mga nurses at doctor dito loob, ang ilang nurse ay inalalayan pa ako patayo at palayo kay Iajay nang sa gayo'y makagalaw nang maayos ang doctor. Saktong pagtigil ko sa gilid ang paghinto ng doctor sa ginagawang pag-defibrillator sa kaibigan ko.
"Time of death: 10:18 p.m. Please call his family and inform them."
"Yes, Doc."
Bago tuluyang lumabas ang doctor ay sandali niya akong sinilip na agad ding lumapit saka ako hinawakan sa braso. "We're sorry Ms, Su, ginawa namin ang lahat para iligtas siya pero hindi na niya kinaya ang lumaban pa."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...