GA 58 SAVIOR AND WITNESS

15 0 0
                                    


"SI Iajay?" Nanghihinang boses ko bungad na tanong ko nang magkamalay ako. Dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko ay hindi ko agad ito naimulat.


"Nasa tabi ni Rina." Sagot ng hindi pamilyar na boses.


Hinarang ko ang kamay sa gilid ng mukha para makadilat. "Buhay—"


"Hindi, umaasa siyang matutulungan ang kaibigan niyo." Aniya na nagpagising sa diwa ko. "GS Manipulator." Pagpapakilala niya.


"Isa ka rin ba sa magsasabi na sa akin mo naipasa ang abilidad mo?" Direktang tanong ko. Naghintay ako ng sagot niya pero ni hindi siya tumanggi. "I guess, 'yes' ang sagot."


Hindi pa rin siya sumagot kaya nagpabalikwas ako sa pagkakahiga. "No way? Totoo nga? Teka, pinaglalaruan niyo ba ako?"


"Sana nga gano'n na lang." Napabuga siya ng hangin. "Maiba tayo, sinilip ko ang alaala mo sa lalaking 'yon, wala bang pinakita sa 'yo no'ng mga oras na pareho kayong unconscious?"


Napaisip ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam, para akong gumising lang na wala sa sarili."


"I see. Nga pala, tinapon ko 'yong bracelet mo sa labas para makalapit ako sa 'yo." Kalmadong pag-inform niya sa akin.


Pinanlakihan ko siya ng mata saka nagtangkang bumaba sa patient bed nang hawakan niya ako sa braso. "Easy, hindi 'yon makikita ng mga tao at hindi rin basta-basta nahahawakan ng kaluluwa. Kusa ring babalik sa 'yo iyon."


Natanggal ang tinik na ibinaon ng mga salita at action niya sa dibdib ko. "Male, 121 years-old tapos female, 229 years-old."


"Female? 229?"


"Nakita ko rin 'yong Stealer bago ka." Sagot ko sa nagtatanong niyang mukha.


Umiling siyang napangisi. "Hindi ko alam na sa 'yo niya gagamitin ang kapirangot ng kapangyarihan kong ninakaw niya. Lalaki siya."


"Kaya niyang magnakaw ng kapangyarihan at hindi lang enerhiya?" Namamanghang tanong ko. "How amazing."


"Well..." Umupo na siya nang maayos sa inuupuan niya. "Iyong kaibigan mo, huwag ka masiyadong maging masaya dahil hindi pa siya bumabalik sa katawan niya."


"What?!"


"Umaasa kang babalik siya sa katawan niya dahil sa nangyari kanina together with you and because na-discover mong comatose lang siya, just like what happened to Rina?" Nagulat ako nang naghihiwa ito ng mansanas at inalukan pa ako.


Kumuha ako ng isa kaso hindi ko kayang isubo. "Ibig sabihin battery lang niya iyon?"


Tumango siya. "Diretsuhin na kita... Sa sitwasyon ng dalawa may posibilidad na isa lang sa kanila ang mabubuhay o pareho sila mismo ang mawawala."


Hindi ko maibuka ang bibig ko sa narinig.


"Pero may way para masiguro na isa man lang sa kanila ay magising o buhay nang maaga, hindi mo na kailangan hintayin kung sino sa kanila ang didilat ang mata." Kinuha niya ang mansanas sa kamay ko at isinubo sa akin.


Nalunok ko agad ang nginunguya dahilan para mabilaukan ako. "Water!"


"Easy lang kasi." Pag-abot niya ng tubig.


"Ano 'yong way?"


Binuka niya ang kamay na tinapat niya sa mukha ko. "Isusuko mo ang ability mo, kapalit ng buhay."


"H-huh?" Sa tubig naman ako sunod na nasamid.


"Hindi mo kailangan—"


"Gagawin ko." Mabilis na sagot ko. "Pero isa lang ba talaga sa kanila?"


"Nasa 'yo naman ang decision, ibig sabihin puwede kang pumili." Orange naman ang sunod niyang kinakain.


Inirapan ko siya ng mata sa pag-ubos niya ng prutas dito. "Kaysa pareho sila ang mawala... Para sa kasiguraduhan, si Iajay ang pipiliin ko."


Siya naman itong nabilaukan at inagaw ang tubig sa kamay ko. "H-hindi mo kailangan magmadali, bibigyan kita ng dalawang araw."


"Paano kung may kakaibang mangyari sa dalawang araw?" Nag-aalalang tanong ko.


Medyo nakumbinsi ko siya base sa pag-iba ng reaksiyon sa mukha niya. "Then why, bakit si Iajay?"


"Hindi dahil sa love, mas kampante ako na makukuha nila ni Rina ang hustisya kung siya ang mabubuhay dahil witness din siya sa pangyayari tapos makakatulong pa ang status niya na meron siya ngayon. " Paliwanag ko.


Hindi man malinaw sa ngayon pero nakita ko na witness si Iajay, hindi ko lang alam kung bakit sila magkasama ni Rina no'ng araw ng insidente basta nasa alaala niya ito. Baka dati na silang magkakilala? 


"Bibigyan pa rin kita ng oras para magdesisyon, ayaw kong may pagsisihan ka dahil paalala ko lang sa 'yo na walang previous button sa real-life para baguhin ang nakaraan kaya 1 hour. Babalik ako rito exactly 1 hour." Tumayo na siya pero walang paalam na nakuha pa niyang kumuha ng isa pang prutas bago tuluyang mawala sa paningin ko.


Pahiga na ulit ako nang mapahawak sa ulo ko, hindi ko mapigilang masabunutan ang sarili. May mga alaala na sunod-sunod na humahabol sa isipan ko.


Minuto ang tinagal no'n, para akong umahon mula sa pagkakalunod nang matapos makita ang  mga alaalang iyon galing sa pinakita ni Iajay sa akin.


Hinabol ko muna ang hininga saka mahigpit na napakapit sa kumot at ilang minuto ang lumipas ay marahas kong sinapo ang noo. "Kahit pala tinulungan ni Iajay si Rina mula sa nagtangkang gumahasa at pumatay sa kaniya, may iba pang tao sa scene na siya'ng tunay na murderer ni Iajay."


Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon