SU CHAY
╰(◣﹏◢)╯
PAPASOK na sana ako ng kwarto nang makitang nakaupo sa tabi ng kama si Iajay, hanggang ngayon ay nandito pa rin pala siya. Hindi ko alam dahil galing ako sa trabaho, umuwi ako nang maaga dahil sa pagkakaalam ko busy ang lalaking ito.
Saktong hahakbang na ako paatras nang gumalaw ang mga daliri ni Enney, pang-apat na beses na 'yon ngayong araw ni hindi siya nagkakamalay. Kitang-kita sa mga galaw at mata ni Iajay ang pag-aalala sa kaibigan namin, kahit pilit man lang na ngiti ay hindi ko magawa.
Selos?
Nagseselos pa rin ba ako?
Kababata ko si Jay, una na niya akong minahal no'ng mga bata pa kami pero nang dumating sa buhay namin si Enney ay nawala ang pagmamahal niya sa akin or... Dahil hindi tunay na pagmamahal ang naramdaman niya sa akin noon.
Nanatili na lang muna ako sa kusina hanggang sa makitang lumabas ng kwarto si Jay habang may kausap sa cellphone.
"Iajay," pagtawag ko sa kaniya.
Sandali niya akong hinarap at tinakpan ang speaker ng phone. "Babalik ako agad, may aasikasuhin lang ako."
Nakuha pa niyang sulyapan si Enney bago tuluyang umalis. Wala pa sana akong balak pumasok sa kwarto kung hindi lang ako nakarinig ng kalabog. What the...
"B-bakit may bata rito?" Bungad na tanong niya sa akin nang nakapikit. "Saan niyo kinuha ito?"
Naguguluhang mukha kong nilibot ng tingin ang paligid saka hinampas ang sariling ulo. Bahay ko ito kaya bakit pa ako naninigurado eh alam ko dapat kung ano ang mga nandito sa loob. Tumaas ang mga balahibo sa buong katawan ko at napako na ang katawan sa kinatatayuan.
"Why aren't you answering me?" mahinang naiinis na tanong niya. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at nakatingin siya sa kaliwang side ng kama. "Sino ka?"
"Enney..."
"New case ni Iajay, anak ng victim?" Binaling n'ya ang mata sa akin para humingi ng sagot. "Never mind. Ilang oras na ako walang malay?"
"Three," mabilis kong tugon.
"Okay, hindi pa ako sigurado kung may kumunekta sa akin dahil wala pa ako sa wisyo mag-isip—"
"Three days, Enney," pagtapos ko sa sinasabi.
Laglag panga at naglalakihang mga mata siyang napabalikwas sa kama at dahan-dahan niyang nilingon ang kaninang batang tinutukoy niya, ilang kurap ng mata ang ginawa nito bago siya mapaatras at hulog sa kama. "No way!"
"Now you realized? Na hindi buhay ang nakikita mo kung 'di ay kaluluwa malamang sa malamang." Dinukot ko ang necklace na may pendant na krus at sinuot saka ako nagkaroon ng lakas ng loob lapitan si Enney.
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...