PARA akong umahon sa tubig pagmulat ko, hinabol ko ang hininga at hindi mapakali ang mga matang nilibot ng tingin ang paligid kung nasaan ako ngayon. Agaw pansin ang ilaw ng mga nakatayong poste na dinadaanan nitong sinasakyan ko.
"Poste? Andar? Kotse? The heck?!" Hinugot ko ang ballpen na nakapa ko sa damit at itinutok sa katabi ko. Agad ko rin itong binitawan nang makilala ang driver. Dahil sa ginawa ko nagresulta iyon ng biglaang niyang pagpreno na muntikan kong ikasubsob, mabuti at hinarang niya ang kamay sa harap ko. "Oh my gosh! It's you, Earl. Sorry I panicked."
"Doble-dobleng gulat ang ibinigay mo sa akin," bakas sa mukha niya ang hindi alam kung ano ba ang mararamdaman, kinakabahan na natatawa siya. "But the last one had almost killed me."
"Paano ba naman kasi, kanina lang nasa hospital ako tapos nandito na ako ngayon sa kotse mo." Napahilamos ako sa kamay ko.
Hinawakan niya ang kamay ko saka nabigla sa ginawa niyang pagyakap sa akin. "Masaya ako na ligtas ka, tayo."
"R-right."
Kumalas na siya sa akin at sinuri ang ibang parte ng katawan ko kung may natamo ba akong sugat. "Okay ka lang ba? Sorry kong nabigla ko ang pagpreno."
Hindi pa ako sigurado sa pagtango. "Y-yes? Tara na?"
Kung hindi pa nagbusena ang mga sasakyan sa likod namin ay hindi pa siya aandar. "Alam kong nagtataka ka."
"Kanina pa."
"Someone called me isang oras bago kita isakay, I tried to admit you sa hospital pero nagkamalay ka saglit at sinabihan mo ako na okay ka lang at gusto mo nang umuwi..."
"Kaya nandito ako ngayon?" Pagtapos ko sa sinasabi niya. "Really? Ginawa ko 'yon?"
Wala akong maalala, naniwala na lang ako dahil hindi naman siya sinungaling na tao at higit sa lahat, issue na sa akin ni Su pa lang ang paggising ko sa kalagitnaan ng tulog.
Saktong pagtingin ko sa bintana ay tinatabi na ni Earl ang sasakyan dahil nandito na agad kami, hindi ko na siya hinayaang pagbuksan ako ng pinto. Paglapag ko ng paa sa lupa ay bumagsak ako, walang lakas ang mga binti ko maglakad mabuti at nandito siya para alalayan ako.
"Saan ka galing?" Pagsalubong ni Iajay sa akin. "Kanina pa ako naghihintay."
Nakapasok agad kami ni Earl sa bahay ni Su at matapos ko humingi ng pasensya sa pagtakas ko sa kotse niya at pagpapatulog sa kaniya ay agad din siyang nagpaalam, kailangan pa siya sa school kaya nagmadali na ring umalis.
Hinanap ng mata ko sa Rina na nakahandusay sa sahig, tulala at nakikipagtitigan sa kisame. Mahina pa rin siya hanggang ngayon?
"Enney."
Sinubukan kong abutin ang baso sa lamesa pero bigo ako at si Iajay ang kumuha para sa akin. "Salamat."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...