"NASAAN si Su?" Agad na tanong ko pagkamulat ko ng mata. Nawalan ako nang malay hindi dahil kay Iajay, bigla na lang naubos ang energy ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili na maipikit ang mga mata. "Rina, si Su?!"
"Sa police station, iniwan ka na niya bago ka pa mawalan nang malay." Si Iajay ang nagsalita at inabutan ako ng tubig.
Muntikan ko pang maibuga ang tubig nang ma-realize kung sino ang nag-abot sa akin. "Iajay? Nahahawakan mo ang mga hindi mo na dapat nahahawakan pa at kagabi... Nag-doorbell ka, what on earth is happening?"
"Why? Am I not allowed ba? I thought kaya rin ni Rina," inosenteng tugon nito.
"You what? Thought?" Naguguluhang tanong ko at nilingon si Rina na nakatayong nakatulala sa bukas na bintana. "Kanina pa siya riyan?"
Tumango ito. "Hindi na siya umalis diyan mula nang unconscious ka, I don't know why."
Nakukuha ko na kung bakit akala niya kaya rin ni Rina ang nagagawa niya pero maliban sa kailangan muna ng permiso ko, mawawalan ng bisa 'yon once na wala akong conscious.
"Hindi ka lang weird, super weird mo. Pareho kayo ni Rina na hindi alam ang pagkamatay, dapat hindi ka na kumunekta sa akin." Napasapo ako sa noo at napapikit.
"Hindi ko alam na nakakakita ka ng ghost? Tungkol sa pag-connect, bakit nagkita tayo sa panaginip at sinubukan mong silipin ang nagyari sa akin? Ni pagtulog ng isang katulad ko ikinagulat ko rin, akala ko living things lang ang natutulog."
I sighed after dumilat at diretsong tumingin sa kaniya. "Talagang doon ka sa mga 'yon nagulat at curious? Sa pagkamatay mo, hindi?"
Napaisip pa s'ya bago umupo sa paanan ko. "Right. Frustrated ako no'ng malaman ko lalo pa hindi ko alam kung paano ako namatay pero walang mangyayari kung iisipin ko pa 'yon kaya nagplano akong silipin muna kayo rito bago tuluyang tanggapin ang nangyari at hintaying maglaho para pumunta sa langit o kung saan man."
"Sad to say pero hindi gano'n kadali 'yon, hindi ka dumiretso sa kung saan ka dapat mapunta dahil may isa kang wish na naiwan. Either justice or bucket list." Pinagmasdan ko ang mata niya, may battery at 5 lines lang ang magkakonek.
"Wish? Wala akong maisip na kahit ano pero 'di ba usually justice ang need ng ghost?"
Umiling ako. "Hindi lahat, dapat may pinakita ka sa akin sa panaginip. Kung justice, pinakita mo dapat kung paano at saan ka pinatay, kung bucket list naman same lang, ipapakita mo sa akin at gagawin natin in reality."
"And I failed na ipakita ang isa sa mga 'yon? You're capable of doing that? Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?" Nakuha pa niyang magtampo sa situation niya. "Sigurado ako na alam 'to ni Su."
"Seryoso ka sa buhay, Iajay, 'yong ginagawa mo sa buhay, 'yong trabaho mo... Do you think bilang investigator maniniwala ka?" Tumayo ako para ilagay ang baso sa lababo.
Taas kilay kong sinundan ng tingin si Rina na lumapit kay Iajay at nakahalukipkip itong humarap sa kaniya. "Si Enney, may sasabihin..."
Wala sa sariling pumatong ako sa lababo para tumalon at mapigilan si Rina. "Alam mo, tara na."
Dali-dali akong tumayo at kinaladkad palabas ang babaeng ito, sakto namang palabas ang kotse ni Earl sa garahe at sumakay ako.
"Enney? Pumunta ako sa inyo kanina pero walang nagbukas ng pinto kaya akala ko wala ka ro'n, hindi kasi kita naabutan sa binigay mong address kaya akala ko may nangyari na sa 'yo." Tinigil muna niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Su. "Sandali, naiwan ko 'yong wallet ko."
BINABASA MO ANG
Ghost Attendant
ParanormalSa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na kahit Ghost ay natutulog at nananaginip din habang kabaliktaran naman siya no'n. Hindi pagkakaroon n...